Pagpapatigil sa nine-year moratorium sa pagmimina, paghahanda sa 2022 national election

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 570 total reads

Kinondena ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang pagpapatigil ng pamahalaan sa siyam na taong moratoryo sa pagmimina.

Ayon kay Bishop Pabillo, hindi naaangkop ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil lalo lamang itong magpapalala sa iba’t ibang kaganapang nangyayari sa ating kapaligiran. Dagdag pa ng Obispo na maaaring ito’y ipinatupad ng Administrasyong Duterte upang mapagkunan ng pondo ng mga “corrupt” na opisyal ng pamahalaan para pagkunan ng panggastos sa darating na eleksyon.

“Napapatunayan naman na hindi naman ‘yan nakakatulong sa development natin at ang nakikinabang lamang d’yan ay ang corrupt na mga opisyales. Kaya baka naman ‘yan ay ginawa para makakuha ng pera para sa eleksyon,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Ipimaliwanag ni Bishop Pabillo na sa halip na makatulong ang pagmimina sa pag-unlad ng bansa ay lalo lamang itong magdudulot ng pagbabago sa klima ng mundo at nakasisira sa likas na yamang tahanan ng iba’t ibang uri ng buhay. Pinangangambahan rin nito na higit na maaapektuhan ng desisyon ng pamahalaan ang mga katutubong naninirahan sa mga kabundukan at kagubatan na nakakaranas ng pananakot at pinaaalis sa kanilang mga lupaing minana upang maisagawa ang mapaminsalang pagmimina. Apektado nito ang mga karagatan at lupaing sakahang pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga mangingisda at magsasaka.

“Nakikita po nating nakakasira lamang ito sa environment at ang mga taong tatamaan n’yan ay ang mga katutubo at mga maliliit na mangingisda at magsasaka,” saad ni Bishop Pabillo.

Hinihiling naman ng Obispo, na siya ring chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity na mas makabubuting baguhin ang Philippine Mining Act of 1995 upang maisagawa sa tamang paraan ang pagmimina na hindi magdudulot ng matinding epekto sa tao at iba’t ibang likas na yaman.

“Dapat irevise ang mining law ng 1995 kasi extractive ang batas na yan. Kinukuha lang ang ating mineral resources na hindi naman bumabalik sa atin,” saad ng Obispo.

Batay sa mga pag-aaral, kakaunti lamang ang naiaambag ng pagmimina sa kabuuang ekonomiya ng bansa at hindi rin ito nakakapaglikha ng pangmatagalang hanapbuhay sa mamamayan sapagkat naitala lamang sa isang porsyento ang mga manggagawa nito sa pangkabuuang workforce ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 4,722 total reads

 4,722 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 42,102 total reads

 42,102 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 73,373 total reads

 73,373 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 150,617 total reads

 150,617 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 244,594 total reads

 244,594 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 72,922 total reads

 72,922 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top