Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

60 kabataan, kinumpilam ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

 1,423 total views

Nakatanggap ng Sakramento ng Kumpil ang 60 kabataang palaboy na kinukupkop ng Tulay ng Kabataan Foundation o ANAK-TNK.

Pinangunahan ito ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa pamamagitan ng banal na Misa sa Shrine of Mary Queen of Peace o EDSA Shrine.

Sa kanyang pagninilay, ipinaliwanag ni Cardinal Advincula na ang pagpapahid ng langis sa noo ng mga kumpilan ay pagpapatibay ng kanilang pagiging kabilang sa simbahan, at pagkilala sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.

“Ang Sakramento ng Kumpil ay isang mahalagang sakramento ng ating simbahang katolika sapagkat sa pamamagitan nito ay napapalalim ang ugnayan natin sa Espiritu Santo na tinanggap natin noong tayo ay binyagan.” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Tagubilin ng kardinal na nawa’y sa pamamagitan ng Kumpil ay buong pusong tanggapin ng mga kabataan ang pagpapalang taglay ng Espiritu Santo tungo sa pagiging mabuting Kristiyano.

Maliban sa 60 kabataan, anim na tauhan din ng ANAK-TNK ang nakatanggap ng Sakramento ng Kumpil.

“Kapag pala sumasaatin ang Espiritu Santo, kayang-kaya nating maging mabait at gumawa ng mabuti para sa kapwa… Kailangan natin ang Espiritu Santo upang katulad ni Hesus, palagi pa kayong maging mabait at mabuti sa ating kapwa.” ayon kay Cardinal Advincula.

Saksi naman sa pagdiriwang si ANAK-TNK executive director French Missionary Fr. Matthieu Dauchez, at EDSA Shrine rector Fr. Jerome Secillano.

Sinabi ni Fr. Dauchez na ang tinanggap na sakramento ng mga kabataan ay maituturing na mahalagang bahagi ng kanilang buhay sapagkat dito’y naipadama na sila’y tanggap at mahal ng Panginoon sa kabila ng kanilang pinagdaraanan.

Ibinahagi naman ng pari na kabilang sa mga kinupkop ng ANAK-TNK si Servant of God Darwin Ramos na ngayo’y nasa proseso ng beatification at canonization tungo sa pagiging ganap na banal ng simbahan.

Hiling ng pari na sa pamamagitan ni Servant of God Darwin Ramos ay magsilbi nawang inspirasyon sa mga kabataan na sa kabila ng kahirapan at kapansanan ay hindi nawalan ng pag-asa, bagkus ay higit pang inialay ang buhay para sa Panginoon.

“Servant of God Darwin Ramos became the special figure of the foundation. Dahil sa inspiration ni Darwin, umaasa akong ang dinadalang sugat sa puso ng mga batang kinupkop ng Tulay ng Kabataan, sa tulong ni Servant of God Darwin Ramos ay mawawala at matatanggap ang healing sa kanilang mga puso.” ayon kay Fr. Dauchez.

Ang Tulay ng Kabataan Foundation ay institusyong nagsisilbing tahanan na tumutulong sa mga bata at matatandang palaboy, inabandona, at mga biktima ng pang-aabuso.

Simula taong 1998, umabot na sa 60-libong kabataan sa Metro Manila ang natulungan ng Tulay ng Kabataan sa halos 40 centers nito.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEGACY OF CORRUPTION

 14,372 total views

 14,372 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Kabiguan sa kabataan

 64,906 total views

 64,906 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 94,868 total views

 94,868 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 108,747 total views

 108,747 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 19,413 total views

 19,413 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Sana ay mali kami

 22,223 total views

 22,223 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
1234567