62nd founding anniversary, ipinagdiwang ng Diocese of Cabanatuan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,689 total reads

Ipinagdiriwang ng Diyosesis ng Cabanatuan, Nueva Ecija ang ika-62 anibersaryo ng pagkakatatag sa bisa ng Apostolic Constitution Cum Tempore Maturare ni Pope Saint John XXIII.

Itinuturing na makasaysayang yugto, ang pagkakatatag sa diyosesis ay naging hudyat ng opisyal na paglilingkod ng Simbahan sa lalawigan ng Nueva Ecija, sa pamamagitan ng pastoral na pangangalaga, ebanghelisasyon, at panlipunang pagbabago.

Sa loob ng anim na dekada, lumago ang diyosesis sa patnubay ng mga naging obispo, mga pari, relihiyoso’t relihiyosa, at mga laykong tapat sa misyon.

“From humble beginnings, it has become a vibrant and dynamic faith community, home to numerous parishes, mission areas, schools, and apostolic ministries that continue to bring Christ’s message to life,” ayon sa Diyosesis ng Cabanatuan.

Kabilang sa mga naglingkod bilang pastol ng diyosesis ay sina Bishop Mariano Gaviola—ang kauna-unahang obispo ng Cabanatuan, na nagpastol mula March 8, 1963 hanggang sa pagbibitiw noong May 31, 1967; sinundan ni Bishop Vicente Reyes mula August 8, 1967 hanggang April 7, 1983; Bishop Ciceron Tumbocon na naglingkod mula April 7, 1983 hanggang sa kanyang pagpanaw noong November 11, 1990; at si Bishop Sofio Balce na namuno hanggang June 25, 2004.

Humalili naman si Bishop Sofronio Bancud, SSS na nanungkulan mula November 6, 2004 hanggang sa kanyang pagreretiro noong December 8, 2024.

Sa kasalukuyan, pinamumunuan ang diyosesis ng ika-anim na obispo nito na si Bishop Prudencio Andaya Jr., CICM na naitalaga noong February 3, 2025.

“This celebration is not just a remembrance of the past, but a renewal of our shared commitment to walk together in synodality—building a Church that listens, accompanies, and serves with love,” dagdag ng diyosesis.

Itinatag ni Pope John XXIII ang Diyosesis ng Cabanatuan noong February 16, 1963 sa pamamagitan ng apostolic letter na “Exterior Ecclesiae”, na nagtakda ng paghihiwalay ng lalawigan ng Nueva Ecija mula sa mga dating nasasakupan ng noo’y Diyosesis ng Lingayen-Dagupan at ng Diyosesis ng San Fernando.

Makalipas ang ilang buwan, noong June 3, 1963, opisyal na naitatag ang diyosesis, at June 4 naman inordinahan at iniluklok si Bishop Gaviola bilang kauna-unahang obispo ng Cabanatuan.

Itinalaga naman ang diyosesis sa ilalim ng pamimintuho kay San Nicolas de Tolentino at ng Mahal na Birhen Divina Pastora.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 15,396 total reads

 15,396 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 15,523 total reads

 15,523 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 28,115 total reads

 28,115 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 84,521 total reads

 84,521 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 208,022 total reads

 208,022 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 292,025 total reads

 292,025 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,634 total reads

 175,634 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top