Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

75-taong pagkatatag ng Diocesan Shrine of San Vicente Ferrer, ipinagdiwang

SHARE THE TRUTH

 796 total views

Umaasa ang pamunuan ng Diocesan Shrine and Parish of San Vicente Ferrer de Mamatid na magdulot ng malalim na pananampalataya ang pagdiriwang ng anibersaryo ng simbahan.

Ayon kay Fr. Gomer Torres, Rector at Parish Priest ng dambana, sinisikap nitong isabuhay ang layunin ng patron na ipadama ang diwa ng pag-ibig ng Panginoon sa sanlibutan.

Aniya, nawa’y paigtingin ng mananampalataya ang pagnanais na mapalapit sa Panginoon sa pamamagitan ng mga halimbawang ipinamamalas ni San Vicente Ferrer.

“Ang hamon ko lang sa mga parishioners ay mas palalimin pa rin ang kanilang pananampalataya, pagkilala at debosyon kay San Vicente Ferrer; ang talagang layunin naman ni San Vicente Ferrer ay hindi lamang iparamdam ang pagmamahal ng Diyos sa mga tao kundi akayin ang mga tao na magmahal din sa Diyos,” pahayag ni Fr. Torres sa panayam ng Radio Veritas.

Nitong October 28 ay ipinagdiwang ng dambana ang ika – 75 anibersaryo ng pagkakatatag kung saan pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang Misa pasasalamat.

Kasabay ng pagdiriwang ang opisyal na pagsara ng Jubilee Door ng parokya kung saan ayon kay Cardinal Advincula ay hudyat upang muling pag-alabin ng bawat isa ang sigasig ng paglilingkod.

“Ang pagsasara ng Jubilee Door ngayon ay hindi sumisimbolo ng pagwawakas ng pagdiriwang ng pagbibiyaya ng Diyos o ng ating misyon bagkus hinuhudyat nito ang pananabik sa muling pagbubukas sa susunod na hubileyo at ang angkop na pag-aantabay dito sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod sa Diyos at sa kapwa,” ani Cardinal Advincula.

Samantala, sinabi ni Fr. Torres bagamat isinara ang Jubilee Door ng dambana ay mananatiling makatatanggap ng indulhensya ang mga dadalaw sa pandiyosesanong dambana ni San Vicente.

Binasbasan din sa pagdiriwang ang Garden of Peace ng parokya kung saan ilalagak ang urn ng abo ng mga yumaong kaanak.

Bukod kay Cardinal Advincula at Fr. Torres, dumalo rin sa pagtitipon si San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, mga bisitang pari at daan-daang deboto ni San Vicente Ferrer.

Inaanyayahan ni Fr. Torres ang mananampalataya na dumalaw sa dambana at makiisa sa devotional masses tuwing Biyernes sa alas singko ng hapon at alas siyete ng gabi.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Senadong tumalikod sa tungkulin

 13,825 total views

 13,825 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 88,126 total views

 88,126 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 143,882 total views

 143,882 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 104,802 total views

 104,802 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 105,912 total views

 105,912 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

 8,761 total views

 8,761 total views Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

1234567