Labanan ang climate change habang pina-uunlad ang ekonomiya-DENR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,243 total reads

Ang paglaban sa Climate Change at pagkamit ng maunlad na ekonomiya ay dapat na magkaugnay.

Ito ang inihayag ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez sa Joint High Level Segment ng Climate Change Summit sa Marrakech, Morroco.

Binigyang diin din ng kalihim na hindi na kinakailangang isaalang-alang ang pag-unlad ng ekonomiya upang magkaroon ng malinis na pagkukunan ng enerhiya at sustainable transportation.

Aniya, maaaring pagsabayin ang pangangalaga sa kalikasan habang umuunlad ang bawat bansa.

“We do not need to give up economic growth – from clean energy, to sustainable transportation, to all facets of life. We need to have the courage to change the way we do things. We cannot and must not build an economy based on suffering,” pahayag ni Sec. Lopez.

Iginiit rin nito, na hindi na maaaring lumagpas pa sa 1.5 degree centigrade ang temperatura ng daigdig dahil malaking kapahamakan ang idudulot nito.

Should the change in the planet’s temperature escalate to more than 1.5 degrees, we stand to lose whatever economic gains we make. The planet simply cannot afford an indecisive ambiguity about what needs to be done. The situation is clear – anything more than 1.5 degrees will destroy possibilities for quality of life,” dagdag pa ng kalihim.

Dahil sa pagpapabaya sa kalikasan, lumalala ang epekto ng mga natural calamities bunsod ng malawakang pagguho ng lupa at pagbaha dahil na rin sa pagpuputol ng mga puno, pagmimina at iba pang makasariling gawain ng ilang mapagsamantalang indibidwal.

Sa pag-aaral ng United States Environmental Protection Agency, natukoy na ang mga coal power plants ang pangunahing dahilan ng pagdami ng carbon emissions na naiipon sa kalawakan na sya namang dahilan ng pag-init ng mundo.

Dahil dito, hinimok ni Pope Francis ang mga mambabatas na lumikha ng polisiyang magtatakdang palitan ng renewable energy ang mga Fossil Fuels upang sa mga susunod na taon ay tuluyan nang mawala ang lubhang mapaminsalang emissions na nagmumula sa pagsusunog nito

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,195 total reads

 56,195 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 142,691 total reads

 142,691 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 185,728 total reads

 185,728 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,487 total reads

 235,487 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,017 total reads

 394,017 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 23,233 total reads

 23,233 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 52,879 total reads

 52,879 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 45,723 total reads

 45,723 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top