Ipag-adya ang Pilipinas sa mapinsalang sakuna, panalangin ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,319 total views

Ipinapanalangin ni Cagayan de Oro Archbishop Jose Cabantan ang patuloy na kaligtasan at patnubay ng Panginoon sa mga biktima ng sama ng panahon na nakaapekto sa halos buong bansa.

Ayon kay Archbishop Cabantan, ito nawa’y hindi maging sanhi ng pagkawala ng pananalig sa Panginoon ng mga higit na apektado ng kalamidad, at sa halip ay mas lalo pang magtiwala upang tumatag ang pananampalataya.

“Loving Father, we always celebrate the new year with a lot of hope, and despite all the calamities that we suffer, we always hold on to our faith. And with Your help, it may also help us to recover, especially for those who are victims of calamities like the flood, so that they may also recover from their difficult situation right now,” panalangin ni Archbishop Cabantan mula sa panayam ng Radio Veritas.

Higit na naapektuhan ng shearline mula sa low pressure area ang Northern Mindanao partikular ang lalawigan ng Misamis Occidental na nagdulot ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa tuluy-tuloy at malakas na pag-ulan.

Naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang nasa halos 700-libong indibidwal o 171-libong pamilyang lubhang apektado ng kalamidad.

Una nang nagpadala ng P200-libong halaga ng tulong ang Caritas Manila sa Archdiocese ng Ozamis kasunod ng pag-apela ng tulong at panalangin ni Archbishop Martin Jumoad.

Patuloy naman ang panawagan ng Simbahan sa publiko na pangalagaan ang kalikasan at patuloy na manalangin upang ipag-adya ang bansa mula sa anumang sakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 21,533 total views

 21,533 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 44,692 total views

 44,692 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 65,968 total views

 65,967 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 236,659 total views

 236,659 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top