Nagsilikas na residente sa Lanao del Norte, nakauwi na sa kani-kanilang tahanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,630 total reads

Ligtas at nakauwi na sa kani-kanilang mga tahanan ang mga nagsilikas na residente mula sa anim na bayan sa lalawigan ng Lanao del Norte.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Iligan Diocesan Disaster Risk Reduction and Management Director Fr. Jonald Apa-on, nagsagawa ng pagpupulong ang mga kura paroko ng mga apektadong parokya kasama si Bishop Joey Rapadas III upang pag-usapan ang gagawing pagtugon at pagtulong sa mga apektadong pamilya.

“So far po, ‘yung mga pamilya na nasa evacuation centers po ay nakauwi na. At nagkaroon din po kami ng meeting kasama ang mga kura paroko doon sa Lanao del Norte na affected ng pagbaha ang anim na parokya,” ayon kay Fr. Apa-on.

Patuloy naman ang Diyosesis ng Iligan sa pamamahagi ng mga paunang tulong para sa mga lubos na naapektuhan ng sama ng panahon.

Panawagan naman ng diyosesis ang pananalangin para sa kaligtasan ng mga lubos na apektadong residente, gayundin na muling makamtan ang pag-asa sa kabila ng kinakaharap na pagsubok.

Batay sa tala ng Lanao del Norte Provincial Risk Reduction and Management Council, umabot sa 3,119 pamilya o 12,264 indibidwal ang lubhang naapektuhan ng pagbaha dulot ng malakas na pag-uulang sanhi ng low pressure area.

Nauna nang naitala sa lalawigan ang tatlong nasawi, habang tatlo rin ang bilang ng mga naiulat na nasaktan.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 6,938 total reads

 6,938 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 18,935 total reads

 18,935 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 90,904 total reads

 90,904 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 177,405 total reads

 177,405 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 220,439 total reads

 220,439 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 269,306 total reads

 269,306 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 193,595 total reads

 193,595 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top