Diocese of Borongan, nanawagan ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,135 total reads

Iniulat ng Diocese of Borongan at Archdiocese of Zamboanga na malawak ang pinsala ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa Eastern Visayas at Mindanao.

Kinumpirma ni Diocese of Borongan Bishop Crispin Varquez na apat na parokya ng diyosesis ang naapektuhan ng baha at nasa evacuation centers ang mga apektadong residente.

“Malawak po itong inuulan ngayon sa Pilipinas actually part of Visayas and Mindanao. Sa Diocese of Borongan base sa report ng Social Action Center (SAC) ay apat na parokya ay badly affected by the flooding sa walang tigil na ulan. Marami pong pamilya ang naapektuhan at maraming naka-evacuates pa ngayon,” pahayag ni Bishop Varquez sa Veritas Patrol.

Ibinahagi ni Bishop Varquez sa Radio Veritas na patuloy ang kanilang relief operations sa mga apektado ng baha.

“Sa Diocese of Borongan through the social action center patuloy po ang aming pagre-relief para ideliver sa mga parokya ang tulong sa mga nasalanta ng sama ng panahon,” pagbabahagi ni Bishop Varquez.

Nanawagan din ang Obispo ng tulong para sa mga residenteng binaha.

“Kung mayroon pa kayong gustong maitulong, nakapost ang aming appeal sa Facebook,” pahayag ng Obispo.

Hinimok naman ni Bishop Varquez ang mga nasalanta ng baha na huwag mawalan ng pag-asa dahil ibibigay ng simbahan at mga good Samaritan ang kanilang pangangailangan.

“Para naman po sa mga biktima ng typhoon, huwag po tayong mawalan ng pagasa at madami po tayong mga kapatid na handa pong tumulong at ang simbahan will give you assistance para po sa inyong pangangailangang pagkain, mga damit at saka mga gamot at sana po tulong-tulong tayo. At the same time ang mga affected sa flood, mag-ingat po kayo at huwag mawalan ng pag-asa, matatapos din po itong nararanasan na malaking baha po sa ating area sa Eastern Samar, we pray for you and God Bless You! at salamat din po sa mga mag-eextend din pa ng tulong sa mga affected ng pagbaha sa aming area,” panawagan ni Bishop Varquez.

Tiniyak naman ni Sister Melba Bongalos,program coordinator ng Social Action Center ng Archdiocese of Zamboanga na nakaantabay sila sa mga residenteng nangangailangan ng tulong.

Ayon kay Sister Melba, nakabalik na kani-kanilang tahanan ang mga residenteng lumikas matapos humupa ang baha.

“Ilang mga low lying areas ang binaha pero yun mga nag-evacuate ay nagsisibalikan na din sa kanilang mga bahay.Sa ngayon ay naka-antabay lamang ang social action sa mga posibleng humingi ng tulong ngunit may sapat na kakayanan pa ang LGU,” pahayag ng Madre sa Radio Veritas.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ngayong araw, aabot na sa mahigit 524-libong katao o 122-libong pamilya ang naapektuhan ng Low Pressure Area at iba pang sama ng panahon sa mga Rehiyon ng Cagayan Valley, CALABARZON, Gitnang Luzon, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Easter Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, SOCCSKSARGEN at BARMM Regions.

2-araw na tigil-pasada, ikakasa ng PISTON

 11,692 total reads

 11,692 total reads Maglulunsad ang transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ng dalawang araw na tigil-pasada sa Setyembre 29

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 65,781 total reads

 65,781 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 99,114 total reads

 99,114 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 131,258 total reads

 131,258 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 197,316 total reads

 197,316 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 212,251 total reads

 212,251 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top