Bishop Almoneda, pinarangalan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,818 total reads

Pinarangalan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si Daet Bishop Emeritus Benjamin Almoneda bago ihatid sa huling noong ika-13 ng Enero 2023.

Sa funeral mass na isinagawa sa Chapel of Notre Dame de Vie (NDV) na pinangunahan ni Parañaque Bishop Jesse Mercado, kinilala ng obispo ang pagiging mabuting pastol ni Bishop Almoneda na ipinapadama ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa bawat gawaing ginagampanan sa pamayanan lalo na nasasakupang kawan.

“Throughout his [Bishop Benjamin Almoneda] exercise in ministry as priest and bishop as well as the silent and joy filled work as a retired bishop even in everywhere he is going, he would always express that love that endures in the way he exercises his work,” mensahe ni Bishop Mercado sa Radio Veritas.

Naniniwala si Bishop Mercado na nagampanan ng namayapang obispo ang misyong iniatang ng Panginoon sa paninilbihan bilang pastol ng simbahan at nakibahagi sa paghihirap ni Hesus sa pamamagitan ng paglilingkod sa sambayanan lalo na sa mga maralita.

Hinangaan din ng opisyal ang pagiging matapat ni Bishop Almoneda sa tungkulin at pamumuhay sa panalangin sa tulong at gabay ng Mahal na Birheng Maria.

“In the midst of all challenges, trials and difficulties he had to face throughout his life and ministry, Bishop Ben was able to persevere to stand by Jesus at the foot of the cross with Mary because he was a man of prayer.” ani Bishop Mercado.

March 22, 1958 nang maordinahang pari si Bishop Almoneda sa Archdiocese of Nueva Caceres habang January 6, 1990 nang ordinahang obispo ni noo’y Santo Papa St. John Paul II sa Vatican.

Ilan sa mga tungkuling ginampanan ng namayapang obispo ang pagiging rector ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma noong 1982 hanggang 1989 bago maitalagang obispo ng Daet noong June 7, 1991.

Makalipas ang 16 na taong paglilingkod sa Daet nagretiro si Bishop Almoneda noong April 4, 2007 at naglingkod bilang Spiritual Director ng Redemptoris Mater Seminary of Manila at nanirahan sa House of Solitude of the Priests of Notre Dame de Vie sa Angat, Bulacan.

January 6, 2022 kasabay ng ika – 33 anibersaryo ng pagiging obispo ay pumanaw ang obispo sa edad na 92 taong gulang dahil sa komplikasyon sa puso.

Inihimlay si Bishop Almoneda sa libingan ng mga paring kabilang sa komunidad ng Notre Dame de Vie bilang ang obispo ang kauna-unahang Asyano at Pilipinong paring kasapi ng NDV.
Bukod kay Bishop Mercado dumalo rin sa pagtitipon ang ilang obispo sa bansa sa pangunguna ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, mga paring kasapi ng Notre Dame de Vie, NDV consecrated lay people at mga kaanak ni Bishop Almoneda.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 53,087 total reads

 53,087 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 97,106 total reads

 97,106 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 167,283 total reads

 167,283 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 253,776 total reads

 253,776 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 296,796 total reads

 296,796 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 342,234 total reads

 342,234 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top