1,328 total views
Nararapat na maisabuhay ng mga Pilipino ang malalim na pananampalataya at debosyon sa Panginoon.
Ito ang paalala ni Cagayan de Oro Archbishop Jose Cabantan sa pambihirang pananampalataya at debosyon ng mga Pilipino na makikita sa sunod-sunod na paggunita sa Pasko ng Pagsilang ni Hesus, Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno at Kapistahan ng Santo Niño.
Ayon sa Obispo, dapat na magsilbing hamon para sa bawat isa kung paano ganap na maisasabuhay ang pananampalatayang ito para sa ikabubuti ng kapwa.
“Our unique celebration of Christmas then after Christmas the Black Nazarene – passion of Christ and then this Sunday we are going back to the Baby Jesus, I think these devotions are really deep in our Lord and our challenge also is to put this faith in concrete, put this faith in to action,” pahayag ni Archbishop Cabantan sa Radio Veritas.
Ipinagdarasal ng Arsobispo na maging bukas ang bawat isa sa pakikinig at pagtugon sa hinaing ng mga nangangailangan upang makatulong sa pagbuhat ng krus na dinadala ng kapwa.
Tinukoy ni Archbishop Cabantan ang napapanahong pagsasabuhay ng malalim na pananampalataya sa pagtungon sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng sama ng panahon sa iba’t ibang panig ng bansa.
Umaasa ang Arsobispo na bukod sa pagtugon sa hinaing at panaghoy ng mga mahihirap at nangangailangan ay mahalaga rin ang tugon sa panaghoy ng kalikasan at ng sanilikha.
“Like for instance Black Nazarene carrying the cross I hope that it will also encourage us to carry our crosses not just our own crosses but also the cross of the whole people that we are carrying right now. Let us also be attentive to the cry of the poor as Pope Francis have said and also to the cry of creation. You know at this time we are visited again by typhoons, storms so this is really a challenge for us to listen to the cry of the poor and the cry of creation, the passion of the poor and the passion of creation,” dagdag pa ni Archbishop Cabantan.
Ngayong 2023, sa Archdiocese of Cagayan de Oro lamang naisagawa ang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno kung saan tinatayang 10,000 deboto ang nakibahagi sa gawain noong ika-9 ng Enero.
Nakatakda naman sa ika-15 ng Enero, 2023 ng Kapistahan ng Sto. Niño kung saan tinatawagan ng Simbahan ang mananampalataya na magtiwala sa batang Hesus na isinilang sa mundo para sa kaligtasan ng sangkatauhan.