Opisyal ng PNP na naghain ng courtesy resignation, pinuri ng MOP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,780 total views

Pinuri ng Military Ordinariate of the Philippines ang pagtalima ng mga opisyal ng Philippine National Police – Chaplain Service sa isinasagawang internal cleansing sa hanay ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas.

Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio, tama ang ginawang hakbang ng mga opisyal ng PNP-Chaplain Service sa pangunguna ni Police Brigadier General Msgr. Jason Ortizo na kusang paghahain ng courtesy resignation.

Ito ay tugon sa panawagan nina DILG Secretary Benhur Abalos at PNP Chief Rodolfo Azurin bilang unang hakbang sa tuluyang paglinis ng hanay ng PNP mula sa problema ng ilegal na droga.

“Unang-una gusto kong pasalamatan ang Chaplain Service ng Philippine National Police led by Police Brigadier General Msgr. Jason Ortizo sa kanilang isinagawang pagbigay ng kanilang courtesy resignation na hinihingi ng ating DILG Secretary – Secretary (Benhur) Abalos and then sa Chief PNP na si General Azurin. Itong ginawa nila actually is something that is stimulating dahil ito po ay isang paraan upang talagang magkaroon ng internal cleansing.” Pahayag ni Bishop Florencio Radio Veritas.

Sinabi ng Obispo na isang magandang halimbawa ang ginawa ng mga opisyal ng PNP-Chaplain Service upang pamarisan at sundin ng iba pang opisyal ng ahensya.

Paalala ni Bishop Florencio na hindi dapat mangamba ang mga opisyal ng PNP na may malilinis na konsensya at hindi sangkot sa iligal na gawain.

“That’s very good dahil ito po ay isang magandang halimbawa para sa ibang mga officers ng PNP at sabi ko huwag kayong matakot kung ito po ay minsan kakabahan sila pero sabi ko, wala naman kayong dapat ipangamba diyan dahil ito po ay kung very clean ang inyong konsensya at saka walang ginagawa (na may kaugnayan sa illegal na droga) ito po ay isang paraan, makakatulong para sa kalahatan ng kanilang PNP as an organization.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Umaasa naman ang Obispo na maging epektibo ang ginagawang paraan ng pamahalaan upang tuluyan masolusyunan ang problema ng illegal na droga sa loob ng ahensya.

Nagpaabot rin ng pagkilala sa Bishop Florencio sa lahat ng mga opisyal ng PNP na una ng tumalima sa hamong makibahagi sa ginagawang internal cleansing sa kanilang hanay.

“Hopefully itong paraan ay talagang makapagbigay ng solusyon dito sa malalim na problema natin sa ating organization at saka malalim na problema natin with regards to drugs, I’d like to congratulate itong ating mga kapulisan na nagbigay (ng courtesy resignation) lalong lalo na itong Chaplain Service ng Philippine National Police led by Police Brigadier General Msgr. Jason Ortizo.” Ayon pa kay Bishop Florencio.

Ang PNP-Chaplain Service ay may 9 hanggang 11 mga opisyal mula sa iba’t ibang tanggapan at rehiyon sa bansa na naghain ng courtesy resignation.

Sa tala may 956 na mga colonel at general ang PNP na tinatawagang makibahagi sa pagtugon ng problema sa ilegal na droga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 20,233 total views

 20,233 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 42,238 total views

 42,238 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 66,580 total views

 66,580 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 90,427 total views

 90,427 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 124,698 total views

 124,698 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top