Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 524 total reads

Ang pangungutang, kapanalig, ay isang survival mechanism ng maraming pamilyang Filipino. Sa liit ng kita ng karamihan sa atin at sa laki naman ng gastusin, lalo ngayon, hindi talaga magkasya ang budget ng maraming mga pamilya. Kahit sabihin pa natin na gamitin muna ang savings, imposible na ang mag-impok para sa marami kasi said ang kaban buwan-buwan.

Para nga magkasya, bawas-bawas na sa gastos ang marami sa atin. Kadalasan, ang pagkain pa ang unang natatapyasan. Kung dati may meryenda pa, ngayon wala na. Kung dati tatlong beses sa isang araw kakain, ngayon dalawa na lang pag swerte pa. Kada luto, halos kanin na lamang at sabaw sabaw na lang ang ulam. Ayon nga sa kasabihan, matutong mamaluktot kung maikli ang kumot. Kaya lamang, kapanalig, sa taas ng inflation ngayon, pati kumot ng ordinaryong Filipino, umiksi na talaga. Bimpo na nga lang ata ang natira. Mukha na lang ang natakpan, sapat na para sa hiyang dinadanas.

Kaya’t iyan, wala nang ibang opsyon ang maraming kababayan natin kundi ang humiram muna ng panggastos. Hiram muna sa kamag-anak, sa kapitbahay, o sa kumpanya. Pag hindi na pwede sa kanila, sa bumbay na o sa mga lending agencies.

May pag-aaral noong 2021 na nagsabi na 7 sa 10 Filipino ang stressed na sa utang.  Pinakamataas na antas ito sa hanay ng mga bansa sa Asya at Pasipiko na nasurvey ng pag-aaral na ito. Mas nag-aalala din ang mga Filipino sa kanilang financial situation kumpara sa ibang bansa sa rehiyon. Ang average na antas ng mga nag-aalala sa utang sa rehiyon ay nasa 49% lamang.

Kapanalig, napakahirap mabaon sa utang – at dapat makita ng pamahalaan na ang marami sa mga mamamayan nito ay lunod na sa utang. Kulang na kulang na ang kita ng ordinaryong Pinoy para sa ordinaryong gastusin ngunit hanggang ngayon, wala pa rin tayong marinig na tugon upang maipababa ang presyo ng bilihin. Hindi na nga tayo nagsisibuyas ngayon, pero mukha marami pa rin isasakripisyo ang Pinoy para lamang makabangon.

Ang mahirap sa utang kapanalig ay karaniwang may interes ito, at wala naman inaasahan na darating na malaking pera ang ating mga kababayan upang mabayaran ang mga naunang inutang nila. Kaya para makabayad, uutang ulit sila at uutang pa rin sila. Bawat utang, may interes na sabay na dumating sa iba pa nilang bills o bayarin. Matanda na sila, magreretiro na sila, nagbabayad pa rin ng utang.

Kaya’t napakahalaga ng pagkakaroon ng responsable at responsive na pamahalaan – yung uri ng pamahalaan na dama ang hirap ng bayan. Sabi nga sa Rerum Novarum: The foremost duty of the rulers of the State should be to make sure that the laws and institutions, the general character and administration of the commonwealth, shall be such as of themselves to realize public well-being and private prosperity. This is the proper scope of wise statesmanship and is the work of the rulers. Sana naman, ngayong 2023, kung kailan mas dumidilim ang global economic outlook, maging mas tutok ang gobyerno sa problema ng kahirapan sa ating bayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

UNDAS 2026, generally peaceful

 33,335 total reads

 33,335 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 9,363 total reads

 9,363 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 58,420 total reads

 58,420 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 108,171 total reads

 108,171 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 267,369 total reads

 267,369 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 294,132 total reads

 294,132 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kasaysayang ayaw nating maulit

 9,364 total reads

 9,364 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 58,421 total reads

 58,421 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 108,172 total reads

 108,172 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 267,370 total reads

 267,370 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »
Scroll to Top