3As, isulong sa mga mayroong Austism Spectrum Disorder (ASD)

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,453 total views

Hinimok ng Health Care Commission ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mamamayan na paigtingin ang “3As: Awareness, Acceptance, Accompaniment” sa mayroong Autism Spectrum Disorder (ASD).

Ito ang panawagan ni Camillian Father Dan Cancino, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care, sa paggunita sa 27th National Autism Consciousness Week ngayong taon.

Ayon kay Fr. Cancino, mahalagang magkaroon ng malawak na kamalayan at pang-unawa ang lipunan hinggil sa ASD na malaking hamon, hindi lamang sa mga mayroon nito kun’di higit sa kapwa at pamilyang kumakalinga sa kanila.

“Talagang sila ay may mga special needs. Buong buhay nila, ito ‘yung pagdadaanan at hamon ng buhay. Pero sa mga nag-aalaga, maraming salamat dahil ito ‘yung pagpapakita ng misyon ng ating Panginoong Diyos na alagaan ang mga may karamdaman sa abot ng ating makakaya,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Bahagi ng developmental conditions o disabilities ang ASD kung saan ang isang tao ay masasabing mayroong kapansanan sa pisikal, kaalaman, pagsasalita, at pag-uugali.

Batid naman ni Fr. Cancino ang sakripisyong inilalaan ng bawat pamilya upang maipakita at maipadama ang pagpapahalaga sa miyembrong mayroong kapansanan.

Hiling ng opisyal ng CBCP na nawa ang pagmamahal at pagkalingang ito ay hindi maglaho at sa halip ay lalo pang lumalim dahil ito ang paraan ng Panginoon tungo sa kagalingan at buong pagtanggap ng lipunan.

“‘Yung ating pananampalataya sa Diyos, mas palalimin natin. At ‘yung pag-asa natin sa Diyos, doon tayo umangkla dahil ito ‘yung ating magiging sandata, magiging dala-dalahin sa pag-aalaga sa mga kapanalig nating may autism,” saad ni Fr. Cancino.

Tema ng paggunita sa 27th National Autism Consciousness Week ang “Building A Nation Powered By Transformative Autism-Inclusive Innovation”.

Taong 1996 nang lagdaan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos ang Proclamation Number 711 na idineklara ang ikatlong linggo ng Enero bilang National Autism Consciousness Week.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 19,667 total views

 19,667 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 41,672 total views

 41,672 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 66,014 total views

 66,014 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 89,870 total views

 89,870 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 124,189 total views

 124,189 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top