CBCP-ECHC, duda sa hospital privitization

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,552 total views

Hinamon ng Health Care Commission ng simbahan ang pamahalaan na paigtingin at pagandahin ang serbisyo pangkalusugan ng bansa.

Ayon kay Fr. Dan Cancino, MI, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care, dapat paglaanan ng malaking pondo sa pagpapabuti sa sektor ng kalusugan ng Pilipinas lalo na sa mga mahihirap.

Ito ang hamon ng kumisyon sa usapin ng pagsasapribado ng mga ospital na bagamat mas mapapaganda ang serbisyo at mga pasilidad ay kaakibat naman ang pagtaas ng presyo sa mga serbisyo na pagsasantabi sa mga mahihirap.

“Kaya itong privitization na ‘to kahit na dati pa, ang simbahan, ang advocacy ay mas pag-igtingin ng ating gobyerno ‘yung ating mga public health services. I-improve n’ya ‘to, gawin itong mas accessible at mas available lalong-lalo na sa mahihirap,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Panawagan din ni Fr. Cancino sa pamahalaan na ibilang sa layuning pagpapabuti sa healthcare sector ng bansa ang pagpapagaling sa mga pasyente sa halip na kita.

Nilinaw naman ng pari na kinikilala at pinapahalagahan ng simbahan ang pagsisikap ng pamahalaan na mapabuti ang serbisyo ng kalusugan sa bansa ngunit iginiit na kaya pa itong palawigin at pagbutihin para sa mga mahihirap.

“Kung titingnan natin, meron pang pwedeng gawin. At itong privitization ng ating mga hospitals, kailangang dapat hindi iilan lang ang mga nag-uusap dito. Dapat i-consult ang lipunan, mga komunidad, mga may karamdaman, kasi sila ay hindi lang beneficiary pero kaakibat sila doon sa buong health care system natin,” saad ni Fr. Cancino.

Taong 2019 nang lagdaan ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na maging batas ang Universal Health Care Law na inaasahang magbubunga ng malawakang pagbabago sa public health sector ng bansa.

Suportado ng simbahan ang bawat layunin at adhikain ng pamahalaan lalo na sa pagpapabuti sa sektor ng kalusugan ng bansa para sa kapakanan ng nakararami lalo’t higit ang mga nasa mahihirap na sektor ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 18,247 total views

 18,247 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 40,252 total views

 40,252 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 64,594 total views

 64,594 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 88,474 total views

 88,474 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 122,902 total views

 122,902 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top