Opening ng Jubilee Door ng Sacred Heart of Jesus Parish, pangungunahan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,252 total reads

Umaasa ang kura paroko ng Sacred Heart of Jesus Parish sa Sta. Mesa Manila na magdulot ng mayabong na pananampalataya ang pagbubukas ng Jubilee Door ng simbahan.

Ito ang pahayag ni Fr. Artemio Fabros sa panayam ng Radio Veritas sa pagdiriwang ng simbahan sa ika – 120 anibersaryo ng Pagdating ng Pagdedebosyon sa Mahal na Puso ni Hesus.

Inihayag ng Pari na sa tulong ng debosyon ay lumago ang ugnayan ng tao sa Panginoon at higit na mapalapit sa simbahan at maging aktibong kasapi ng sambayanan.

“Nawa ito po ay makatulong sa lalong paglalim ng pananampalataya ng mga taga Sta. Mesa at imbitasyon na rin sa ating mga mamamayan na sa Metro Manila o sa iba pang lugar ng Pilipinas na kung may pagkakataon dumalaw po sa Sacred Heart of Jesus Parish para makatanggap din ng indulhensya,” bahagi ng pahayag ni Fr. Fabros.

Pangungunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagbubukas ng Jubilee Door ngayong January 24, 2023 sa alas sais ng hapon kasabay ng pagdiriwang din ng isang dekada mula nang maitalaga ang dambana.

Inaanyayahan ni Fr. Fabros ang mamamayan na makiisa sa gawain at tumanggap ng pagpapala kaakibat ng mga alintuntuning mangumpisal, tumanggap ng komunyon at ipanalangin ang natatanging intensyon ng Santo Papa Francisco.

Sa kasaysayan ng simbahan itinatag ito noong February 11, 1911 at iniatang sa Franciscan Capuchin missionaries ang pangangasiwa.

Kasabay ng pagbubukas sa Jubilee Door ang pagtatalaga kay Fr. Fabros bilang bagong kura paroko ng parokya at tiniyak ang patuloy na pagpapaigting ng mga programang makatutulong sa paghubog ng pananampalataya ng nasasakupang komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 79,145 total reads

 79,145 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 110,874 total reads

 110,874 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 212,700 total reads

 212,700 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 253,259 total reads

 253,259 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 270,487 total reads

 270,487 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top