ICC, hinimok ng PNP na kilalanin ang justice system ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,593 total reads

Hinimok ng Philippine National Police ang International Criminal Court na igalang ang kalayaan at kilalanin ang justice system ng Pilipinas.

Ayon kay PNP Chief General Rodolfo Azurin, Jr., na ang bansa ay mayroong epektibong criminal justice system upang matugunan ang anumang ulat ng human rights abuses sa anti-illegal drug campaign ng pamahalaan.

“As the PNP has always maintained, that the Philippines has a robust, efficient, and functioning criminal justice system with active legal proceedings and remedies available to address any claim of human rights abuses in the governments’s anti-illegal drug campaign,” pahayag ni Azurin.

Paliwanag ni Azurin na ito’y napatunayan sa patuloy na imbestigasyon sa lahat ng mga pagpaslang at kasong may kaugnayan sa droga sa ilang kawani ng pamahalaang sangkot sa mga krimen.

Dagdag pa ng hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na mayroon ding mga kaso ng administratibo ang hawak ng PNP Internal Affairs Service at mga kasong nakasampa sa korte laban sa mga drug personalities.

Pangako naman ng PNP ang pakikipagtulungan sa Department of Justice para sa maayos na imbestigasyon sa mga opisyal ng Pulisya na napatunayang may kakulangan hinggil sa anti-illegal drug operations.

“The PNP is fully cooperating with the Department of Justice in reviewing cases involving police personel found liable for lapses on police operational procedures in anti-illegal drugs operations,” dagdag ng opisyal.

Una nang nagpahayag ng pakikiisa ang ilang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagbubukas ng ICC investigation sa mga kaso ng pagpaslang upang mapanagot ang mga nagkasala.

Sa tala ng iba’t ibang human rights group, hindi bababa sa 20-libo katao ang naitalang napatay na may kaugnayan sa war against drugs ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 146,937 total reads

 146,937 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 205,103 total reads

 205,103 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 341,608 total reads

 341,608 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 453,560 total reads

 453,560 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 247,891 total reads

 247,891 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top