2,047 total views
Patuloy ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpapadala ng tulong sa mga nasalanta ng masamang panahon na dulot ng Shear line, Low Pressure Northeast Moonsoon sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
358-tonelada ng relief goods ang dinala ng Philippine Navy sa Iligan City upang ipamahagi sa mga mamamayan ng Silangang Mindanao.
“This is in line with the Guidance of the Chief of Staff, AFP General Andres Centino, to deploy military assets for the conduct of Humanitarian and Disaster Response in order to Alleviate human suffering caused by various calamities,” ayon sa pinadalang mensahe ng AFP sa Radio Veritas.
Magugunitang noong January 28 ay 276-tonelada ng mga food at non food items para sa mga mamamayan ng tarlac ang naipadala ng Philippine Navy.
Sa pinakahuking datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council , umaabot na sa higit 2-milyong katao ang naapektuhan habang 43 sa bilang ang nasawi ng dahil sa pananalasa ng masamang panahong.
Una ng nagpadala ng P200 libong pisong tulong ang Caritas Manila sa Archdiocese of Ozamis matapos makaranas ng pagbaha ang maraming residente sa Misamis Occidental habang Una naring inilunsad ng Caritas Philippines and donation drive para sa mga nasalanta ng kalamidad.