PNP Chief, miyembro ng 5-man committee na magsisiyasat sa mga opisyal ng PNP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,038 total views

Ikinararangal ni Philippine National Police Chief Rodolfo Azurin, Jr. ang pagkakahirang sa kaniya bilang miyembro ng five-man committee na susuri sa third level officers ng PNP.

Ayon kay Azurin na bagamat malaking pagsubok ang panibagong tungkulin, ipinagpapasalamat ng opisyal ang pagtitiwalang ibinigay sa kaniya ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na mapabilang sa mangangasiwa sa imbestigasyon sa hanay ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas.

“This moment in the PNP’s transformation journey will surely carve a mark in the nation’s history, and I am proud to be part of it,” pahayag ni Azurin.

Ibinahagi ni Azurin na bilang matagal nang miyembro ng PNP, kaniyang nasaksihan ang iba’t ibang pangyayari sa loob ng ahensya.

Naniniwala ang pinuno ng hanay ng pulisya na ang ipinagkatiwalang tungkulin ay napapanahon at magandang pagkakataon upang lubos na masuri ang katangian ng bawat third level officers.

Nananawagan naman si Azurin sa taumbayan gayundin sa Third level officers na magtiwala lamang sa pagsisikap ng PNP na mapabuti at mapatatag ang hanay ng pulisya para sa mas epektibong paglilingkod sa bayan.

“With this tall order, I assure all the third level officers of the PNP that the processes to be undertaken will be fair, objective and judicious at all stages, making sure that zero tolerance for personal biases and political color shall be observed. At the end of this exercise, we can be sure that the PNP will be in good and reliable hands of trustworthy 3rd level officers,” ayon kay Azurin.

Bahagi ng internal cleansing ng PNP ang pagbuo sa komite na mayroong limang miyembro na mangangasiwa sa pagsusuri at pag-iimbestiga sa third level officers na kinabibilangan ng mga colonel at general na nagsumite ng kanilang courtesy resignation.

Pinangunahan ni Azurin ang paghahain ng courtesy resignation at nanawagan sa 956 na mga opisyal ng PNP na makibahagi sa pagtugon sa problema ng ilegal na droga sa ahensya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 54,324 total views

 54,324 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 87,406 total views

 87,406 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 115,757 total views

 115,757 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 183,489 total views

 183,489 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 202,858 total views

 202,858 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top