Caritas Philippines, kasama sa mag-iimbestiga sa drug war killings sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,826 total reads

Tiwala ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na tuluyan ng mabibigyan ng katarungan ang mga biktima ng war on drugs ng dating administrasyong Duterte sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng International Criminal Court sa drug war killings sa bansa.

Ito ang mensahe ni Caritas Philippines executive director Rev. Fr. Antonio Labiao, Jr. matapos na aprubahan ng Pre-Trial Chamber (PTC) ng International Criminal Court na ipagpatuloy ni ICC Prosecutor Karim Khan ang imbestigasyon sa marahas na war on drugs.

“The resumption of the probe will allow due process to run its course and ensure justice and truth will prevail,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Labiao.

Pagbabahagi ng Pari, ang naturang hakbang ay isang paraab upang tuluyan ng mapanagot at maparusahan ang lahat ng sangkot sa naging talamak na extra judicial killings sa bansa.

Umaasa din si Fr. Labiao na sa pamamagitan ng imbestigasyon ay muling maibalik ang integridad at tiwala ng taumbayan sa pamahalaan lalo’t higit para sa pagkakaroon ng transparency at patas na katarungang panlipunan.

“This is a step in the right direction to promote transparency, fairness, and trust in public institutions,” dagdag pa ni Fr. Labiao.

Kaugnay nito, kabilang ang ilang institusyon ng Simbahang Katolika sa bansa sa bumubuo sa Technical Working Group on Human Rights na nangangasiwa sa pagbubuo ng isang human rights campaign at nakikipag-ugnayan sa UN Joint Programme on Human Rights para sa pagkakaroon ng suporta sa pagsusulong ng edukasyon, capacity building, documentation of cases, resource mapping, at pagbibigay ayuda sa mga biktima ng human rights violations sa Pilipinas.

Pinangungunahan ang nasabing Technical Working Group on Human Rights ng Caritas Philippines, CBCP, katuwang ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), Swiss Catholic Lenten Fund, Bicol Consortium for Development Initiatives (BCDI) Inc., at ang Task Force Detainees of the Philippines.

Matatandaang inakusahan ng crimes against humanity si dating Pangulong Duterte at dating Philippine National Police chief at incumbent Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa mga kaso ng extrajudicial killings na may kaugnayan sa War on Drugs na inilunsad kasabay ng pagsisimula ng dating administrasyong Duterte noong taong 2016.

Sa pagtataya ng pamahalaan aabot lamang sa mahigit 6,000 ang nasawi sa War on Drugs ng nakalipas na administrasyon na taliwas sa datos ng mga human rights groups sa bansa kung saan aabot sa mahigit 30,000 indibidwal ang naitalang namatay .

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 7,495 total reads

 7,495 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 43,686 total reads

 43,686 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 100,092 total reads

 100,092 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 223,406 total reads

 223,406 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top