Mananampalataya, hinimok na makiisa sa mga gawaing simbahan sa paggunita ng Kuwaresma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,360 total views

Nawa ang bawat mananampalataya ay makiisa sa mga gawain sa Kuwaresma na magsisimula sa February 22 – ang araw ng Miercoles de Ceniza o Ash Wednesday.

Ito ang paghihikayat ni Fr. Gregory Gaston ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma sa mga mananampalataya lalo na sa mga Filipino community sa Italya.

Ayon sa pari, bagama’t hindi obligasyon ang pagsisimba at pagpapalagay ng abo sa noo ng mga mananampalataya ito ay isang magandang tradisyon na nagpapaalala sa pagsisisi, pagtitika at pagpapanibago.

“Kung kaya ninyo pumunta kayo sa Simbahan sa Ash Wednesday at makapaglagay ng abo. Hindi lang ‘yan pakitang tao, kundi ito ay isang imbitasyon upang magbago ng ating buhay, upang magsisi,” ayon sa paanyaya ni Fr. Gaston.

Paalala rin ng pari, ang pangungumpisal sa panahon ng Kuwaresma bilang paghahanda sa Mahal na Araw kung saan ginugunita ng sambayanang Kristiyano ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus na ating manunubos.

“Sapagkat sa pangungumpisal, pinapatawad Niya ang ating kasalanan at hindi lamang ‘yan, binibigyan tayo ng lakas ng grasya ng Panginoon upang mas madali nating malabanan ang tukso, ang kasalanan, at ang mga tinatawag na ‘circumstances’ (mga kalagayan, lugar, tao o mga oras) na baka magkasala tayo,” ayon pa kay Fr. Gaston.

Ang Kuwaresma ay ang 40-araw na paghahanda ng Simbahan sa nalalapit na Holy Week o Semana Santa na gugunitain sa April 2 hanggang April 8.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 13,579 total views

 13,579 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 63,593 total views

 63,593 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 59,462 total views

 59,462 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 95,657 total views

 95,657 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 103,792 total views

 103,792 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top