Mahusay na edukasyon, pangako ng Pasig Catholic College sa mag-aaral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,089 total reads

Patuloy na gagampanan ng Pasig Catholic College (PCC) ang pagsisikap na makapagbahagi ng mahusay na edukasyon at pagtuturo ng mabuting katangian para sa mga kabataan.

Ito ang pangako ni PCC President at Pasig Diocesan Schools System (PaDSS) superintendent Fr. Daniel Estacio kasabay ng pagdiriwang sa 110th Founding Anniversary ng institusyon.

Ayon kay Fr. Estacio, mananatili ang PCC bilang epektibong kasangkapan ng Simbahan sa pagpapalaganap ng mabuting balita ng Panginoon, gayundin ang paghuhubog sa mga kabataan upang maging mabubuting kristiyanong tagasunod ni Kristo.

“The mission of Pasig Catholic College is evangelization. It is the right arm of the church in terms of evangelization sa mga kabataan—paghuhubog sa kanila. And we provide quality catholic education that combines academic excellence with moral and spiritual values in order for the person to become a person of character and competence,” pahayag ni Fr. Estacio sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, nagpapasalamat naman si Sacred Heart of Jesus Chapel, Rockwell Makati chaplain Fr. Rolando Garcia, Jr., dahil sa naging malaking tungkulin ng PCC sa paghuhubog sa kanyang pananampalataya tungo sa pagiging ganap na pari ni Kristo.

Si Fr. Garcia ay nagtapos ng elementarya sa PCC noong 1989 at dito rin unang tinanggap ang banal na pakikinabang.

“I am very grateful to this institution for inculcating in me strong faith in our Lord. Sapagkat dito sa PCC talaga, inalagaan ‘yung aming buhay-pananampalataya. Masasabi ko na dito ko unang nakilala si Hesus of course through our religious education,” pahayag ni Fr. Garcia.

Tagubilin naman ng pari sa mga mag-aaral ng PCC na isaisip at isapuso ang mga natutunan sa paglagi sa institusyon dahil ito’y mapapakinabangan sa pag-abot sa mga pangarap sa buhay, gayundin ang paghubog ng pananampalataya sa Panginoon.

“Don’t take for granted everything that PCC is offering to you with regards to your formation in faith. Sana bago kayo magtapos sa paaralang ito, talagang masasabi ninyo—kilala ko si Hesus, mahal ko Siya, at handa ko Siyang sundan,” saad ni Fr. Garcia.

Tema ng ika-110 anibersaryo ng pagkakatatag sa institusyon ang Synodos: Journeying Together as One in Faith, Hope, and Love.

Taong 1913 nang itatag ang PCC ng Congregation of the Immaculate Heart of Mary o CICM Missionaries sa pangunguna ni Fr. Pierre Cornelis de Brouwer, CICM.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 16,923 total reads

 16,923 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 65,540 total reads

 65,540 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 115,291 total reads

 115,291 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 274,489 total reads

 274,489 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 300,829 total reads

 300,829 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top