Mananampalataya, hinimok na makiisa sa mga gawaing simbahan sa paggunita ng Kuwaresma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,329 total views

Nawa ang bawat mananampalataya ay makiisa sa mga gawain sa Kuwaresma na magsisimula sa February 22 – ang araw ng Miercoles de Ceniza o Ash Wednesday.

Ito ang paghihikayat ni Fr. Gregory Gaston ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma sa mga mananampalataya lalo na sa mga Filipino community sa Italya.

Ayon sa pari, bagama’t hindi obligasyon ang pagsisimba at pagpapalagay ng abo sa noo ng mga mananampalataya ito ay isang magandang tradisyon na nagpapaalala sa pagsisisi, pagtitika at pagpapanibago.

“Kung kaya ninyo pumunta kayo sa Simbahan sa Ash Wednesday at makapaglagay ng abo. Hindi lang ‘yan pakitang tao, kundi ito ay isang imbitasyon upang magbago ng ating buhay, upang magsisi,” ayon sa paanyaya ni Fr. Gaston.

Paalala rin ng pari, ang pangungumpisal sa panahon ng Kuwaresma bilang paghahanda sa Mahal na Araw kung saan ginugunita ng sambayanang Kristiyano ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus na ating manunubos.

“Sapagkat sa pangungumpisal, pinapatawad Niya ang ating kasalanan at hindi lamang ‘yan, binibigyan tayo ng lakas ng grasya ng Panginoon upang mas madali nating malabanan ang tukso, ang kasalanan, at ang mga tinatawag na ‘circumstances’ (mga kalagayan, lugar, tao o mga oras) na baka magkasala tayo,” ayon pa kay Fr. Gaston.

Ang Kuwaresma ay ang 40-araw na paghahanda ng Simbahan sa nalalapit na Holy Week o Semana Santa na gugunitain sa April 2 hanggang April 8.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 37,842 total views

 37,842 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 65,847 total views

 65,847 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 83,647 total views

 83,647 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 81,985 total views

 81,985 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 191,598 total views

 191,598 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top