EDSA Shrine, simbolo ng pagkakaisa at malalim na pananampalataya ng mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,603 total views

Ang EDSA Shrine ang nagsisilbing paalala sa malalim na pananampalataya at matinding pananalangin na ipinamalas ng mga Pilipino para sa kapakanan ng bayan 37-taon na ang nakakalipas.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista – chairman ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs sa ika-anim na araw ng Misa Nobernaryo para sa kapistahan ng Archdiocesan Shrine of Mary, The Queen of Peace at paggunita ng ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa Obispo, dahil sa pagkakaisa at matinding pananalangin at pananampalataya na ipinamalas ng mga Filipinong nakibahagi sa EDSA People Power Revolution ay biniyayaan ng Panginoon ang bansa ng kalayaan mula sa diktadurya.

Hinimok ni Bishop Evangelista ang patuloy na pananalangin ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria upang patuloy na biyayaan ng Panginoon ang bansang Pilipinas.

“Here in this place in this EDSA Shrine the Shrine of Our Lady Queen of Peace the Pilipino people express deep faith and prayer extensive prayer and so the grace for our country was given by God, faith and prayer. Let us continue expressing our faith and continue praying to God each day that we may gain more graces from Him through the intercession of the Blessed Virgin Mary.” Ang bahagi ng pagninilay ni Bishop Evangelista.

Pagbabahagi ng Obispo, ang pananampalataya ay isa sa tatlong pambihirang biyaya o regalo na ipinagkakaloob ng Panginoon sa mga binyagan kasama na ang pag-ibig at pag-asa.

Paliwanag ni Bishop Evangelista, walang imposible sa Diyos kaya naman mahalaga ang pagkakaroon ng bawat isa ng pananampalataya upang patuloy na manalig sa biyaya at pagmamahal ng Panginoon para sa lahat.

“Faith is a gift of God and only God can increase it in our soul, we receive the gift of faith when we were baptized. Actually we received three gifts when we were baptize, three supernatural virtues faith, hope and love. Everything is possible to one who has faith, lahat posible sa taong nananampalataya, everything is possible to one who has faith, manampalataya tayo palagi sa Diyos, walang impossible sa Diyos that’s how important faith is.” Dagdag pa ni Bishop Evangelista.

Nakatakda ang kapistahan ng dambana sa ika-24 ng Pebrero, 2023 habang gugunitain naman ang ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa ika-25 ng Pebrero, 2023.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 39,459 total views

 39,459 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 53,036 total views

 53,036 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 81,600 total views

 81,600 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 130,597 total views

 130,597 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 123,426 total views

 123,426 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top