Pakikiisa ng mamamayan, hiniling ng Kura Paroko ng Banal na Sakramento Parish

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,765 total reads

Hiniling ng pamunuan ng Banal na Sakramento Parish sa pamayanan ang pakikiisa sa lahat ng programa ng simbahan at maging aktibong kasapi ng pamayanan.

Ito ang mensahe ni Fr. Victor Emmanuel Clemen, kura paroko ng parokya sa pagtatalaga ng dambana ng simbahan sa Kabanal-banalang Katawan at Dugo ni Kristo.

Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Fr. Clemen na mahalaga ang pakikiisa ng mananampalataya sa paglago ng Simbahan lalo na ng mga parokya.

“Itong dedication ng simbahan ay mahalagang gawain sa local churches, kaya sa mga parishioners sana maging active tayo sa ating community, ipakita natin na buhay ang simbahan lalo sa mga charity at spiritual works,” pahayag ni Fr. Clemen sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng pari na sa mahigit apat na dekada ng parokya ay patuloy ang paglago nito bilang Kristiyanong pamayanan at tiniyak ang pagpapaigting ng mga programang makatutulong sa espiritwalidad ng nasasakupan.

“So far active ang iba’t ibang mandated religious organizations dito sa parokya as well as the BECs (Basic Ecclesial Communities), maraming tao ang nagsisimba at ipinakita ang kanilang suporta,” ani Fr. Clemen.

Pinangunahan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang pagtalaga ng simbahan kasama si Bishop Emeritus Antonio Tobias, mga bisitang pari mula sa iba’t ibang parokya ng diyosesis at pamayanan ng Barangay Talipapa sa Quezon City kung saan nasasakop ang parokya.

Nakiisa rin sa pagdiriwang ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 21,972 total reads

 21,972 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,099 total reads

 22,099 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 39,272 total reads

 39,272 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 95,678 total reads

 95,678 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 219,179 total reads

 219,179 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 302,607 total reads

 302,607 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top