CWS, nakiisa sa ika-37 taong anibersaryo ng EDSA People Power revolution

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,703 total reads

Nakikiisa ang Church People – Workers Solidarity (CWS) sa paggunita ng ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon kay CWS Co-Chairperson San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, mahalaga ang patuloy na paggunita sa mapayapang rebolusyon na naganap noong taong 1986 na nagtapos ng mahigit 20-taong diktadurya at nakapagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“CWS joins the Filipino people in commemorating the 37th anniversary of EDSA People Power. The EDSA protests in 1986 were a remarkable moment in Philippine history when the Filipino people were able to get rid of a dictator, putting an end to a twenty-year authoritarian rule.” pahayag ni Bishop Alminaza.

Ibinahagi ng Obispo na sinasalamin ng resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey kung saan lumabas na 62-porsyento ng mga Pilipino ang naniniwala sa patuloy na diwa ng EDSA People Power Revolution na nananatiling buhay ang diwa ng paninindigan ng mga Pilipino para sa kapakanan at demokrasya ng bansa.

Paliwanag ni Bishop Alminaza, bahagi ng pagbabalik tanaw sa makasaysayang EDSA People Power Revolution ang pagbibigay pugay sa lahat ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang antas ng lipunan na nagkaisa upang labanan ang diktadurya.

Giit ng Obispo, isa rin hamon para sa bawat isa ang pagpapanatili ng katotohanan sa kasaysayan ng bansa laban sa anumang tangka ng pagbabago o pagbaliktad sa tunay na mga naganap sa isa sa pinakamadilim na kasaysayan ng Pilipinas.

“A Social Weather Stations (SWS) survey revealed that 62% of Filipinos believe the spirit of EDSA people power is still alive. The result of this survey highlights the significance of remembering. To remember EDSA people power is to re-kindle the spirit of resistance. To remember is to pay tribute to the heroism of past generations, learn lessons from our tragic past and counter historical revisionism. To remember is to re tell history from the vantage point of the people and not the elite.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.
Partikular namang tinukoy ng Obispo ang kahalagahan ng patuloy na paninindigan ng taumbayan sa demokrasya, kalayaan at kaayusan ng bansa 37 taon na ang nakakalipas.

Ayon kay Bishop Alminaza nakadidismaya na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin at serbisyo sa merkado ay tila mas pinagtutunan ng pansin ng pamahalaan ang pagsusulong ng pag-amyenda sa Konstitusyon ng bansa na magpapahintulot sa 100-porsyentong pagmamay-ari ng mga dayuhan ng mga ari-arian sa Pilipinas gayundin ang pagpapahaba ng termino ng mga opisyal ng bayan.

“In the midst of economic turmoil, Marcos Jr. and his economic team are pushing for charter change which seeks to allow foreign corporations 100% ownership of our resources. It also seeks to extend the term limit of the president and lawmakers which will only further cement political dynasties in the government.” Ayon kay Bishop Alminaza.

Matatandaang hinangaan sa buong daigdig ang mapayapa at makasaysayang EDSA People Power Revolution noong Pebrero taong 1986 kung saan sa harap ng mga tangke at ng militar ay dumagsa sa EDSA ang mamamayan mula sa iba’t-ibang antas ng lipunan kasama ang mga lingkod ng Simbahan at nagkaisa sa pananalangin para sa mapayapang pagkamit ng demokrasya ng bansa mula sa diktadurya.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 20,406 total reads

 20,406 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 20,533 total reads

 20,533 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 36,874 total reads

 36,874 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 93,280 total reads

 93,280 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 216,781 total reads

 216,781 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 300,355 total reads

 300,355 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top