Paghinto ng mining operations sa Brooke’s Point, suportado ng opistal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,392 total views

Paghinto ng mining operations sa Brooke’s Point, suportado ng opistal ng CBCP

Suportado ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ang panawagan ng mga residente ng Barangay Ipilan, Brooke’s Point, Palawan laban sa ilegal na operasyon ng Ipilan Nickel Corporation.

Ayon kay Bishop Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Office on Stewardship, ang pagmimina sa Brooke’s Point ang unti-unting sumisira sa likas na yaman at kagandahan ng lugar dahil sa pagbubungkal sa mga bundok at pagpuputol sa mga punongkahoy na nagiging sanhi ng malawakang pagbaha.

“Ako po ay nakikiisa sa mga pumipigil sa pagmimina d’yan sa Ipilan sa Brooke’s Point kasi nakita po natin ang epekto nun ay talagang nakasira sa environment. Sila po ay kabilang sa nakaranas ng mga pagbaha dahil sa pag-uulan at hindi naman sila nakikinabang sa mining,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit ng Obispo na ang malalaking korporasyon lamang ang nakikinabang sa pagmimina, habang lalo pang naghihirap ang taumbayan dahil sa dulot nitong pinsala sa buhay, ari-arian,at kalikasan.

Sinabi ni Bishop Pabillo na ang matatag na paninindigan ng mga apektadong residente laban sa pagmimina ay halimbawa ng pagiging mabubuting katiwala ng sangnilikha ng Diyos.

Dalangin naman ng Obispo ang kaligtasan ng mga residenteng nagsasagawa ng barikada sa Brooke’s Point at madinig ng pamahalaan ang panawagan na ang layunin ay mapangalagaan ang nag-iisang tahanan para sa mga susunod pang henerasyon.

“Nawa’y magbunga ang paninindigan ng mga tao upang hindi na payagan ang nickel mining sa Ipilan, pati na rin ang pagsasantabi ng pamahalaan sa anumang uri ng pagmimina na nakakasira ng ating inang kalikasan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Nauna nang sinabi ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona na ang pagtutol ng taumbayan sa pagmimina ay karapatang dapat igalang dahil layunin nitong ipagtanggol ang kanilang kaligtasan, kalikasan, at pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 35,758 total views

 35,758 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 58,910 total views

 58,910 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 129,024 total views

 129,024 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 203,638 total views

 203,638 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 281,092 total views

 281,092 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top