Kabataan, inaasahan sa laban kontra HIV -AIDS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 905 total reads

Nanawagan ng pakikiisa ang CBCP Episcopal Commission on Health Care sa mga mamamayan partikular na sa mga kabataan upang maipalaganap ang kaalaman at kamalayan sa sakit na HIV-AIDS na isa sa itinuturing na pandaigdigang problema na unting-unting lumalaganap sa bansa.

Ayon kay Rev. Father Dan Cancino – Executive Secretary ng kumisyon, mahalagang makiisa ang lahat lalo na ang mga kabataan sa nakatakdang National Catholic AIDS Sunday na ginugunita tuwing unang Linggo ng Disyembre upang mas mapalalim ang kaalaman ng bawat isa sa naturang sakit.

Paliwanag ng Pari, ang mga kabataan sa kasalukuyan ang pinaka-naaapektuhan ng naturang sakit kung saan mas tumataas ang kaso mula sa edad 15 hanggang 24 na taong gulang.

“Iniimbitahan ko po ang ating lahat ng mga Kapanalig, tuwing unang Linggo po ng Disyembre pinagdiriwang po natin yung National Catholic AIDS Sunday, ito po ay isang araw para mapataas natin yung kaalaman, yung awareness at kamalayan lalong lalo na yung mga kabataan na naaapektuhan ngayon ng isang pandaigdigang problema yung HIV at AIDS. Dito sa ating bansa ang karamihan ng naaapektuhan ay ang ating mga kabataan tumataas yung kaso mula 15-years old hanggang 24-years old, so ito yung kinabukasan ng bayan natin mga highschool at mga college students natin…” pahayag ni Father Cancino sa panayam sa Radio Veritas.

Sa linggo, ika-apat ng Disyembre 2016, isang awareness session / conference ang isasagawa sa Chapel of the Eucharistic Lord sa 5th Floor ng SM Megamall sa Edsa, Mandaluyong upang talakayin at mas mapalawak pa ang kaaalaman tungkol sa HIV AIDS.

Sa ulat ng Department of Health tumaas ng 39-porsiyento ang naitalang bilang ng kumpirmadong may HIV AIDS sa bansa simula buwan ng Enero hanggang Marso 2016.

Dahil dito sa kasalukuyan, mayroon nang 31,911 kaso ng HIV AIDS sa Pilipinas simula noong 1984 kung saan nakapagtatala ang DOH ng 300 bagong kaso ng HIV/AIDS sa bansa kada araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 99,899 total reads

 99,899 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 144,852 total reads

 144,852 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 194,605 total reads

 194,605 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 353,802 total reads

 353,802 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 376,262 total reads

 376,262 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

UNDAS 2026, generally peaceful

 46,379 total reads

 46,379 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »
Scroll to Top