Pagpatay sa gobernador ng Negros, kinundena ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,893 total reads

Kinundina ng Diyosesis ng Dumaguete ang  pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa tahanan nito sa gitna ng pakikipagpulong sa mga opisyal ng kapitolyo at mamamayan ng probinsya.

Ayon kay Dumaguete Bishop Julito Cortes, hindi katanggap-tanggap ang patuloy na serye ng karahasan na nagaganap sa Negros Oriental na matagal ng naghahangad ng kapayapaan, katahimikan at kapanatagan ng loob mula sa tila pag-iral ng ‘culture of violence’ sa probinsya.

Pagbabahagi ng Obispo, bukod sa pakikidalamhati sa pamilya ng pinaslang na gobernador at ibang sibilyang nasawi ay makakaasa ang lahat sa pakikiisa at pananalangin ng buong Simbahan upang makamit ng mga biktima ang katarungan.

“I strongly condemn this hearthbreaking and senseless act of murder in Negros Oriental! How can we ever attain lasting peace if this culture of violence continues to torment us? When will this cycle of killings ever stop? We pray, then, that the perpetrators behind this bloodshed be brough to justice soon.” Ang bahagi ng pahayag ni Dumaguete Bishop Julito Cortes.

Pinaalalahanan naman ng Obispo ang bawat mamamayan na manatiling mahinahon at mapagmatyag sa gitna ng pangamba at takot na hatid ng naganap na insidente.

Nanawagan si Bishop Cortes sa mga ahensya ng pamahalaan para mabilis na makamit ang katarungan sa pamanaslang.

“I urge all government agencies, National and Local, especially the police and military, to work closely togeher for the speedy resolution of these cases, and thus, help us attain peace and justice in our land. May the souls of Governor Degamo and the others who have died in these gruesome killings, rest in peace!” Dagdag pa ni Bishop Cortes.

Bukod sa pananalangin para sa ikapapayapa ng kaluluwa ng mga nasawi sa insidente at kalakasan ng loob ng mga naiwang mahal sa buhay ng mga biktima ay hinihikayat din ng Obispo ang lahat na patuloy na dasalin ang Oratio Imperata to End the Killings sa probinsya ng Negros Oriental.

Sa pinakahuling tala umaabot na sa 9 na indibidwal ang opisyal na bilang ng mga namatay sa pamamaril na ikinasawi ni Negros Oriental Governor Roel Degamo kung saan ang walong iba pa ay pawang mga sibilyan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 21,979 total reads

 21,979 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,106 total reads

 22,106 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 39,282 total reads

 39,282 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 95,688 total reads

 95,688 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 219,189 total reads

 219,189 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 302,617 total reads

 302,617 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top