Organic vegetable, isinusulong ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,370 total views

Isinusulong ng Apostolic Vicariate ng Taytay, Palawan ang organic vegetable production upang makatulong sa hanapbuhay ng mga magsasaka at mapigilan ang lumalalang epekto ng climate change.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, nagsagawa ang apostoliko bikaryato ng libreng pagsasanay upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga magsasaka at ibang mamamayan tungkol sa benepisyo ng organic farming.

Sinabi ni Bishop Pabillo na makabubuti ito sa kalusugan dahil ang nilalayon ng organic technology na maiwasan ang paggamit ng mga abono at iba pang kemikal na bukod sa magastos ay mapanganib rin sa kalusugan.

“Tinuturuan namin ang mga tao kung paano po lumipat sa organic for the reason of health, mas maganda ‘yung organic sa health. At for the reason of economy na hindi masyadong gagastos para sa mga chemical pesticides at chemical fertilizers. Pwede namang mabuhay by means of organic kaya tinutulungan namin sila kung paano gamitin ang organic technology,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Ang organic vegetable production ay kabilang sa mga programa ng AVT-Social Action Center Justice, Peace, and Development, Inc. sa pamamagitan ng Diversified Integrated Organic Farm and Training Center.

Pagbabahagi ni Bishop Pabillo na ang programa ng apostoliko bikaryato ay suportado rin ng Diocese of Cubao na nagbigay ng puhunan upang makapagpatayo ng mga pasilidad para sa farm school at makapagsimula ng organic farming sa iba pang saklaw na parokya.

“Nagpapasalamat kami sa Diocese of Cubao para sa kanilang binigay na tulong, at ito ay gagamitin namin para ipakita at ibahagi sa mga tao ang benepisyo ng organic vegetable production sa kabuhayan, kalusugan, at kalikasan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Ang Pilipinas ay isang ‘agricultural country’ na mayroong 30 milyong ektaryang lupain kung saan 47 porsyento nito ay nakalaan para sa sektor ng agrikultura.

Taong 2005 nang simulang kilalanin sa bansa ang kahalagahan ng organic farming sa pamamagitan ng Republic Act 10068 o Promotion and Development of Organic Agriculture in the Philippines, at sinundan naman ito ng pagpasa sa Organic Agriculture Act of 2008 na mas nagsulong sa organic agriculture sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 48,358 total views

 48,358 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 76,363 total views

 76,363 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 94,163 total views

 94,163 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 92,081 total views

 92,081 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 200,874 total views

 200,874 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 12,321 total views

 12,321 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top