Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mayamang pananampalataya, ibabahagi ng mga Filipino sa World Apostolic Congress of Mercy

SHARE THE TRUTH

 349 total views

Inanyayahan ang bawat mananampalataya na makiisa sa gaganaping ika – 4 na World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) na gaganapin sa Manila sa January 16 hanggang 20, 2017.

Ayon kay International WACOM General Secretary Rev. Father Patrice Chocholski, layunin ng naturang pagtitipon na panibaguhin muli ang pagmimisyon ng awa ng Diyos na nagpapatuloy ang pagpapadama ng awa ng Panginoon kahit tapos na ang Jubilee Year of Mercy.

Paliwanag pa ni Fr. Chocholski na mahalagang bigyang prayoridad ang “Theology of Mercy” lalo na sa mga makabagong laykong misyonero anumang organisasyon o samahan na kanilang kinabibilangan.

“The aim of the next congress in Manila, it will be a great inspiration for the church of the whole world and especially in this time of mercy. I invite all of you to participate to this congress, you belong to other association, movements of the church it is the Divine Mercy that does not belong to anybody because it is Christ same and we do not possess any person,” bahagi ng pahayag ni Fr. Chocholski sa panayam ng Veritas Patrol.

Iginiit pa ni Fr. Chocholski na makaysaysayan ang ika – 4 ng Kongreso ng Awa dahil ito ay gaganapin sa Pilipinas na pagkakataon muling ipakita sa buong mundo ang mayaman nating pananampalataya lalo sa iba’t iba nating apostolado na nagpapakita ng habag ng Diyos.

“The Divine Mercy it is the Father of everybody, all movements, all congregations, everybody according to his charism, style abd type of mission. You must be present to this congress, belonging from any mission in the church or mercy parish. Welcome to this congress it will be a great joy and also inspiration for the world. Thank you and see you in January in Manila 16 – 20, 2017,” paliwanag pa ni Fr. Chocholski sa Radyo Veritas.

Magugunitang nito lamang nakaraang pagtatapos ng Hubilehiyo ng Awa sinabi ni Papa Francisco na ang paggawa ng awa ay hindi nahihinto kundi nagpapatuloy pa rin sa sakramento at misyon ng Simbahan.

Mahigit sa 100-kinatawan mula sa 25-diocese ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang dumalo sa huling pagpupulong bilang paghahanda sa WACOM na ginanap sa National Shrine and Parish of the Divine Mercy sa Marilao, Bulacan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEGACY OF CORRUPTION

 6,660 total views

 6,660 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Kabiguan sa kabataan

 57,194 total views

 57,194 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 87,235 total views

 87,235 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 101,114 total views

 101,114 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 12,866 total views

 12,866 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 83,005 total views

 83,005 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 108,819 total views

 108,819 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 144,309 total views

 144,309 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top