320 total views
Nasa ikalawang araw na ang isinasagawang 3-day National Gathering of Diocesan BEC Directors at mga Coordinators nito sa Diocese ng Malaybalay Bukidnon.
Ayon kay Fr. Amado Picardal, executive secretary ng CBCP Basic Ecclesial Communities, layunin ng okasyon ay para sa paglulunsad ng “2017 Year of the Parish as Communion of Communities” na magsisimula sa unang Linggo ng Advent.
Ito ay nilalahukan ng 75 dioceses at kanilang mga delegado na nasa 179 ang bilang na kumakatawan na sa bawat isang diocese ay may isang BEC director (priest in-charge) at isang BEC coordinators (lay o madre).
Dagdag ng pari, na nakasentro ang Year of the Parish sa paghihikayat ng lahat ng mag Katoliko na makisangkot sa lahat ng gawain ng kanilang BECs kasama na ang pakikilahok sa misyon ng Simbahan.
“Layunin nito ang paghihikayat sa lahat ng mga Katoliko to be involved in their respective BECs at pakikipagbukluran at pakikilahok sa misyon ng ating Simbahan. Yung wala pang BECs, its time to start and if merun na expand our BECs para all of us will be involved in the church mission and building communities at the parish level.” Pahayag ni Fr. Picardal sa panayam ng Radio Veritas.
Ayon kay Fr. Picardal, kahapon nagkaroon ng mga workshop hinggil sa kasalukuyang sitwasyon ng BEC at kaninang umaga, nagkaroon ng mga talks ang iba’t-ibang eksperto sa BECs habang ngayong hapon, isasagawa ang regional planning na susundan naman ng Misa para sa pormal na paglulunsad ng okasyon sa San Isidro Cathedral.
“Ngayon may mga talks about the theme for 2017, sa hapon may Regional planning then Mass para sa formal launching sa cathedral…kahapon may workshops sa present situation and updating matatapos today until tomorrow.” Ayon pa sa pari.
Hinihikayat naman ni Fr. Picardal ang lahat ng mga mananampalataya na makisangkot sa mga gawaing pangkomunidad at tulungan ang mga BEC sa kanilang pagmimisyon.
Samantala, sa June 11, 2017, magkakaroon ng “simultaneous event” ang lahat ng mga parokya sa buong bansa para ipagdiwang ang communion of communities.
“Merun tayong simultaneous event sa June 11, 2016, lahat ng parokya all over the Philippines will simultaneously celebrate this event, all of the parishe will be celebrating the parish as communion of communities.” Pahayag ni Fr. Picardal.
Nito lamang November 26, 2016 pinangunahan naman ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang paglulunsad ng Year of the Basic Ecclesial Communities (BEC) sa isang Banal na Misa sa Aquinas School Gymnasium sa San Juan City.
Ang Taon ng BEC ang ika-lima sa siyam na taong paglalakbay ng Bagong Evanghelisasyon bilang Katolikong Simbahan sa bansa kaugnay na rin ng 500th taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa taong 2021.