Divine Mercy Chapel for 24/7 confessions, bubuksan ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,018 total reads

Bubuksan ng Archdiocese of Manila ang Divine Mercy Chapel for 24/7 Confessions upang bigyang pagkakataong makipag-ugnayan sa Panginoon ang mga naghahanap ng kapahingahan at kapatawaran.

Sa ginanap na groundbreaking ceremony sinabi ng Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula na isa ito sa hakban ng arkidiyosesis sa pagpapalawig ng mga programang pang espiritwal kung saan bukas anumang oras ang kapilya sa mga magbabalik loob at makipagkasundo sa Panginoon.

“God has always been waiting for the preeminent moment when a person can feel, can do, and can approach the sacrament of reconciliation. So, we envisioned that this can be a place where anytime a person can avail himself of the sacrament of reconciliation,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Ayon pa sa cardinal na hindi lamang ito mapakikinabangan ng arkidiyosesis kundi bukas ito para sa lahat ng nagnanais mangumpisal at maging ng counseling.

Itatayo ang 24/7 confession chapel sa Our Lady of Guadalupe Minor Seminary Complex sa Makati City sa gawi ng EDSA malapit sa MRT Guadalupe Station upang mas madaling puntahan ng mga tao.

Bukod sa kapilya itatayo rin sa lugar ang Shrine of St. Joseph of the flight to Egypt para sa mananampalatayang naglalakbay at nalalayo sa bayang sinilangan upang maghanapbuhay para tustusan ang pangangailangan ng pamilya.

“We will soon also be inaugurating the Shrine of St. Joseph of the flight to Egypt for our brothers and sisters who are in another island working for their families; This will be also a place where they can pray and find consolation as they feel homesick and miss their families,” ani ng cardinal.

Dito rin napagkasunduan ng arkidiyosesis ang pagtatayo ng retirement home para sa mga retirado at may karamdamang pari ng arkidiyosesis upang magkaroon ng pagkakataon na makisalamuha sa mga kabataang hinuhubog ang bokasyon sa pagiging lingkod ng simbahan.

Tiniyak ni Cardinal Advincula ang pagpapalawak sa mga programang tutugon sa pangangailang pisikal, mental at higit sa lahat sa espiritwal na buhay ng mananampalataya kaisa sa misyon ng simbahan na paigtingin ang paglilingkod lalo’t higit sa nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 45,071 total reads

 45,071 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 94,973 total reads

 94,973 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 142,844 total reads

 142,844 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 246,793 total reads

 246,793 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 330,610 total reads

 330,610 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top