Reward system ng PNP, kinundena ng isang Senador

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,786 total reads

Kinundena ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang naiulat na reward system ng Philippine National Police.

Nabahala si committee chairperson Senator Ronald Dela Rosa sa 30 percent sa mga nakumpiskang droga bilang reward sa informants at assets ng PNP dahil nakasisira ito sa integridad at imahe ng mga pulis.

Unang lumabas ang usaping panunumbalik ng tiwaling pulis at informants laban sa iligal na droga sa pagdinig ng mababang kapulungan sa pangunguna ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers.

“It seems that there are still some who fearlessly destroy the image and integrity of the PNP (Philippine National Police) and PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) to fight against illegal drugs,” ani Dela Rosa.

Mariing itinanggi ng mga opisyal ng PDEA at PNP ang alegasyon sa drug recycling sa halip ay sinabi ni PDEA Director General (DG) Virgilio Lazo ang monetary reward system sa informants.

Nanawagan naman si Senator Raffy Tulfo sa kinauukulang opisyal na buwagin ang reward system sa police assets dahil nakadadagdag ito sa korapsyon at paglaganap ng ipiagbabawal na gamot sa pamayanan.

“The problem with police assets and informants is that they themselves are also criminals. They themselves are at the heart of the syndicates. And we allow our law enforcers to do business with these criminals through reward system,” giit ni Tulfo.

2016 nang pinaigting ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang giyera kontra droga sa pamamagitan ng Oplan Tokhang ni pinamunuan ni Dela Rosa bilang hepe ng PNP.

Una nang nakiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa kampanya kontra droga ng pamahalaan subalit iginiit na dapat idaan sa wastong proseso nang naaayon sa batas.

Tiniyak ng CBCP prison ministry ang pagpapaigting sa mga programa sa loob ng piitan upang masugpo ang paglaganap ng iligal na droga sa mga person deprived of liberty sa halip ay palalakasin ang livelihood training na makatutulong sa kanilang pangangailangan habang nasa loob ng mga bilangguan sa bansa.

 

 

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 55,216 total reads

 55,216 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 104,466 total reads

 104,466 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 152,337 total reads

 152,337 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 256,286 total reads

 256,286 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 339,602 total reads

 339,602 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top