Diocese of Balanga, nagpaabot ng pakikiisa at pagdadalamhati sa pagpanaw ni Bishop Ocampo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,909 total views

Nakiisa ang Diocese of Balanga sa pagdadalamhati ng Diocese of Gumaca kasunod ng pagpanaw ni Bishop Victor Ocampo.

Inilarawan ni Bishop Ruperto Santos na regalo ng Bataan si Bishop Ocampo sa mananampalataya ng Gumaca Quezon.

“It is a very sad news for us all. The loss of the Diocese of Gumaca is also our lost. He is our gift to them. We share in the grief and bereavement of the lay faithful of the Diocese of Gumaca,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Batay sa impormasyong ibinahagi ni Gumaca Chancellor Fr. Tony Ryan del Moro inatake sa puso ang obispo at tuluyang pumanaw ganap na alas 5:58 ng hapon, March 16, kasabay ng ika – 71 kaarawan ng obispo.

Pinarangalan ni Bishop Santos ang namayapang obispo ng Gumaca dahil sa masigasig na pagmimisyong patnubayan ang kawang ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga.

“In Bishop Vic we see and experience the goodness of God. He is truly a good Shepherd to here and there. He lives his life for his people,” ani Bishop Santos.

Ibinahagi ni Bishop Santos na nakatakdang magsagawa ng pilgrimage sa Bataan ang mananampalataya ng Gumaca sa pangunguna ni Bishop Ocampo sa March 20 bilang paghahanda sa mga Mahal na Araw.

Ipinanganak si Bishop Ocampo noong March 16, 1952 at naordinahang pari November 5, 1977.

Hinirang na ikatlong obispo ng Diocese of Gumaca noong June 12, 2015 at ginawaran ng episcopal ordination noong August 29 sa parehong taon sa pangunguna ni Cardinal Luis Antonio Tagle.

Sa mahigit apat na dekadang pagiging pari at pitong taong obispo ay lubos na itinalaga ni Bishop Ocampo ang sarili sa pagpapalaganap ng misyon ni Hesus lalo na ang pagkalinga sa mga higit nangangailangang sektor ng pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 14,202 total views

 14,202 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 64,216 total views

 64,216 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 60,085 total views

 60,085 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 96,252 total views

 96,252 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 104,332 total views

 104,332 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top