Transport hearing officers, iminungkahi sa LTFRB

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,969 total reads

Iminungkahi ng Lawyers For Commuters Safety and Protection (LFCSP) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagkakaroon ng transport hearing officers.

Ayon sa grupo, ito ay upang mapabilis ang pagdinig ng ahensya sa mga kaso at reklamo ng parehong mga commuters, drivers at operators.

“Ang LTFRB ay may quasi-judicial functions maliban sa administrative functions nito, ibig sabihin sa usapin ng public transport mula sa karaniwang overcharging na kaso, pagbibigay ng prangkisa, o labanan sa ruta, lahat ay dinidinig ng Board. At tatlong tao lamang sila: ang Chairman at dalawang Board Members. Dalawang beses lamang sa isang linggo nagkaka hearing, at napakarami pa nilang trabaho na administratibo,” bahagi ng mensahe ng LFCSP.

Sa tulong ng mga Transport Hearing Officers ay mapapadali ang pagsasaayos sa mga reklamo, kung saan ang hanay ang didinig sa mga maliliit na kaso na isinusumite sa ahensya.

Bukod sa pagpapabilis ng proseso, giit pa ng grupo na mabibigyan din nito ng pagkakataon ang mga Board Members at Officials ng LTFRB na magkaroon ng sapat na panahon upang tutukan ang mga administrative cases na kailangang dinggin.

Ang mungkahi rin ng LFCSP ay dahil sa mabagal na pagdinig ng ahensya kung saan umaabot lamang sa karaniwang 2-kaso ang nadidinig at nagkakaroon ng resolusyon kada linggo.

Kada linggo ay natatanggap ng LTFRB ang daan-daang reklamo o mga kaso ng overcharging sa presyo ng pamasahe, pag-aagawan ng ruta ng mga jeepney o bus lines at hindi pagtanggap o pagiging pihikan ng mga drivers sa mga pasaherong sumasakay sa mga pampublikong transportasyon.

Una ng ipinaalala ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa mga public officials na isapuso ang paglilingkod sa mga mamamayan higit na sa mga disadvantaged na sektor ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 4,287 total reads

 4,287 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 40,816 total reads

 40,816 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 97,222 total reads

 97,222 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 220,680 total reads

 220,680 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top