Mamamayan, inaanyayahan ng Radyo Veritas na makiisa sa Earth Hour 2023

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,129 total reads

Inaanyayahan ng Radyo Veritas ang mga kapanalig na makibahagi sa isasagawang special programming ng himpilan bilang pakikiisa sa Earth Hour 2023.

Hinimok din Radyo Veritas-Ang Radyo ng Simbahan ang mga Obispo, Pari, Madre, relihiyoso at relihiyosa sa Earth Hour 2023 sa pamamagitan ng pagpatay ng mga de-kuryenteng kagamitan sa loob ng isang oras sa ika-25 ng Marso.

Bilang bahagi ng Earth Hour campaign, live na mapapakinggan sa Radio Veritas flatforms ang programang “Banal na Oras para sa Kalikasan” at mga kaganapan sa Metro Manila.

Ito ay “Ang Banal na Oras para sa Kalikasan: Earth Hour 2023 #BiggestHourForEarth” na gaganapin sa March 25 mula alas-otso hanggang alas-10 ng gabi.

Matutunghayan sa programa ang talakayan mula sa mga kinatawan ng makakalikasang grupo na isinusulong ang pangangalaga sa kalikasan.

Hinihikayat din dito na patayin ang mga ilaw at iba pang kagamitang de-kuryente mula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi upang bigyang-pahinga ang daigdig—ang inang kalikasan.

Live din matutunghayan ang pagdarasal ng Santo Rosaryo at pagninilay ng iba’t ibang Obispo sa Pilipinas kaugnay sa pagiging mabuting tagapangalaga ng bawat mamamayan sa nag-iisa nating tahanan.

Mapapakinggan ang “Ang Banal na Oras para sa Kalikasan: Earth Hour 2023 #BiggestHourForEarth” sa DZRV 846 AM, at mapapanuod sa DZRV 846 facebook page at Veritas TV Skycable channel 211 at Cignal cable channel 313.

Ang programa ng Radyo Veritas ay sa pakikipagtulungan ng World Wide Fund for Nature Philippines, Living Laudato Si’ Philippines, at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 38,557 total reads

 38,557 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 60,756 total reads

 60,756 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 97,256 total reads

 97,256 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 317,883 total reads

 317,883 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 350,303 total reads

 350,303 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 98,950 total reads

 98,950 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top