Motorcade ng Poong Hesus Nazareno sa Biyernes Santo, gagamiting batayan sa paghahanda ng taunang ‘Traslacion’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,373 total views

Nagkasundo ang pamahalaang lunsod ng Maynila at Minor Basilica of the Black Nazarene sa pagsasagawa ng motorcade sa imahe ng Poong Hesus Nazareno sa Biyernes Santo.

Ayon kay Quiapo Church Rector at Parish Priest Fr. Rufino Sescon Jr. ay hakbang upang ipakita ang debosyon ng mananampalataya sa Mahal na Poong Hesus Nazareno lalo ngayong mga Mahal na Araw.

“Sa darating na Biyernes Santo ay gaganapin natin ang motorcade bilang pagpapahayag ng ating debosyon sa ating Mahal na Poong Hesus Nazareno upang magkaroon ng pagkakataon ang mga deboto lalong lalo ang mga taga Quiapo na masilayan si Hesus,” bahagi ng pahayag ni Fr. Sescon.

Ayon naman kay Manila Mayor Honey Lacuna ang motorcade ay magsisilbi ring batayan sa pagsasagwa ng mas malaking pagdiriwang ng kapistahan ng poon sa susunod na taon.

“Ito po ay bilang paghahanda sa mas malaki nating pagdiriwang sa Kapistahan po ng Mahal na Poong Nazareno sa darating po na January 9; ito po ang magiging batayan natin kung paano maisasagawa ang atin pong maayos na pagdiriwang,” ani Lacuna.

Panawagan ni Fr. Sescon sa mga deboto na ipakita ang disiplina upang maging maayos ang motorcade sa imahe ng Nuestro Padre Jesus Nazareno at mapag-aralan ang pagdiriwang sa taunang pista ng Traslacion.

“Kaya lalo nating ipakita na ang ating debosyon ay para sa pagpapaayos at lalong maging pagkakaisa…ako po’y nanawagan sa lahat na sama-sama po tayo na ipahayag natin ang ating pagmamahal sa Mahal na Señor lalo nitong Biyernes Santo sa ating motorcade at sama-sama tayong maghanda sa kapistahan sa January 9,” ani Fr. Sescon.

Sinabi ni Quiapo Church Attached Priest Fr. Earl Allyson Valdez na paiigtingin ang seguridad sa paligid ng dambana sa mga Mahal na Araw lalo na sa pagsasagawa ng motorcade para sa kaligtasan ng bawat debotong dadalo sa mga pagdiriwang.

Isasagawa ang motorcade sa April 7, ganap na alas-12 ng hatinggabi na iikot sa paligid ng Quiapo church.

Bagamat unti-unting ibinalik ang karaniwang gawain sa kapistahan ng Poong Hesus Nazareno, ipinagpaliban pa rin ang Traslacion ngayong taon sa halip ay isinagawa ang Walk of Faith mula Quirino grandstand patunong basilica na dinaluhan ng humigit kumulang 100-libong deboto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 44,749 total views

 44,749 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 40,618 total views

 40,618 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 76,820 total views

 76,820 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 85,586 total views

 85,586 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 111,100 total views

 111,100 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top