Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Trabaho at Disenteng Kita

SHARE THE TRUTH

 413 total views

Kapanalig, ang kahirapang nararanasan ng marami nating mga mamamayan ngayon ay kailangan nang tutukan at mabilis na tugunan. Hindi na biro na sa araw araw ng buhay ng maraming Filipino, gumigising silang lagi na lang salat.

Ang pinakamabisang tugon sa suliranin na ito ay hindi pangako at ayuda. Trabaho at disenteng kita ang kailangan ng mga mamamayan. Trabaho at disenteng kita hindi lamang para sa mga nakapagtapos ng pag-aaral, kundi para sa lahat ng nangangailangan nito.

Napakahalaga nito. Ayon nga sa World Bank, ang trabaho ay nagbibigay ng iba ibang daan tungo sa kaunlaran, nagbibigay ng oportunidad upang magamit at malinang ang kasanayan, at nagbibigay ng paraan sa taong magkaroon ng halaga at ambag sa lipunan.

Marami na sanang positibong pagbabago sa job market sa ating bayan, kaya lamang  maraming kasulungan ang nabawi ng pandemya. Ngayong pahupa na ito, nakikita naman natin na bumabalik na ang maraming trabaho, kaya lamang, ang pagbangon o recovery ay hindi pantay pantay. Ayon sa datos ng World Bank, maganda ang recovery sa IT at wholesale and retail, pero mabagal-bagal pa sa food and accommodation, pati na rin sa mga trabaho para sa kabataan. Sa loob ng January 2020 hanggang January 2022, ang employment para sa kabataan ay bumaba mula 32% tungo sa 28%.

Isa sa mga diskarte ng ating mga mamamayan upang hindi na maapektuhan pa ng kasalatan ng trabaho at disenteng kita sa ating bayan ay ang mag-abroad. Kay dami na nating migranteng kababayan. Sinasabi nga na may Filipino na saan mang parte ng mundo ngayon. Dalawang milyong manggagawa ang pumupunta sa ibang bansa simula pa ng 2016.

Kapanalig, huwag na sana nating hintayin na maging salat naman tayo sa manggagawa bago natin atupagin ang job market sa ating bansa. Sabi nga ng mga eksperto, ito na ang panahon upang magkaroon ng reporma at pagbabago upang mapatibay pa lalo ang job market sa ating bayan. Panahon din ito na maitugma ang edukasyon ng mamamayan sa pangangailangan ng merkado hindi lamang ngayon, kundi sa hinaharap. Kailangan na rin tingnan ang halaga ng sweldo ng mga mamamayan kung angkop pa rin ito sa taas ng inflation rate sa ating bayan ngayon.

Sabi nga sa Sacramentum Caritatis, bahagi ng panlipunang katuruan ng Simbahan, “Work is of fundamental importance to the fulfillment of the human being and to the development of society.” Kailangan nating maisa-ayos ito at maisagawa na may buong respeto sa dignidad, kakayahan, at pangangailangan ng mamamayan, at  para sa kabutihan ng balana.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 13,620 total views

 13,620 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 22,288 total views

 22,288 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 30,468 total views

 30,468 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 26,495 total views

 26,495 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 38,546 total views

 38,546 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 13,621 total views

 13,621 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Functional Literacy Crisis

 22,289 total views

 22,289 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 30,470 total views

 30,469 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kinabukasan

 26,496 total views

 26,496 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 38,547 total views

 38,547 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 55,460 total views

 55,460 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 84,465 total views

 84,465 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 105,029 total views

 105,029 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 86,954 total views

 86,954 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 97,735 total views

 97,735 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 108,791 total views

 108,791 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,653 total views

 72,653 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 61,082 total views

 61,082 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 61,304 total views

 61,304 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 54,006 total views

 54,006 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top