Pagmimina sa Homonhon island, kinondena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,963 total views

Kinondena ng Diocese of Borongan ang operasyon ng pagmimina sa Homonhon Island, Guiuan, Eastern Samar.

Ayon kay Borongan Diocesan Social Action Director Fr. James Abella, nakalulungkot pagmasdan na unti-unting nawawala ang kagandahan ng isla dahil sa pang-aabuso ng mga tao.

Sinabi ni Fr. Abella na ang pagmimina sa isla ay humantong sa pagkaubos ng kagubatan, siltation sa baybaying dagat na nakaapekto na sa hanapbuhay ng mga mangingisda, gayundin sa mga magsasaka.

“Malaki na ang pinsalang dulot ng mapanirang pagmimina sa Isla ng Homonhon. Kami sa Diocese of Borongan ay sobrang nanlulumo at nababahala sa mga pangyayaring ito. Sa ngayon may apat (4) na mga active mining companies ang nag-ooperate sa nasabing isla,” pahayag ni Fr. Abella sa panayam ng Radio Veritas.

Tinukoy ng pari ang TechIron Resources, Inc., Emir Mineral Resources Corp., King Resources Mining Corp., at Global Min-met Resources, Inc. na kasalukuyang nagsasagawa ng operasyon sa Homonhon Island.

Dagdag pa ni Fr. Abella na panganib din ang dulot ng pagmimina sa mga apektadong pamayanan dahil sa pagguho ng mga lupa at pagkasira ng mga kalsada lalo na tuwing umuulan, maging pagkakasakit ng mga residente.

“Nakakaapekto na ang dust pollution na nae-experience sa mga kabahayan lalo na sa mga barangay kung saan malapit ang mga minahan. Na siya ring nagdudulot ng sakit sa mga taong mababa ang mga resistensiya,” ayon kay Fr. Abella.

Mayaman ang Homonhon Island sa deposito ng nickel at chromite na mas umaakit sa mga mining company para magsagawa ng operasyon.

Magugunita noong Abril 2020 nang harangin ng mga apektadong residente ang pagpasok ng barko na magdadala ng chromite ore patungong China sa kabila ng quarantine restriction bunsod ng COVID-19 Pandemic.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 17,451 total views

 17,451 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 67,465 total views

 67,465 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 63,334 total views

 63,334 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 99,365 total views

 99,365 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 107,161 total views

 107,161 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top