Kahalagahan at kasagraduhan sa Fiesta Month, panawagan ng obispo ng Tagbilaran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,854 total reads

Umapela si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa nasasakupan na panatilihin ang kasagraduhan sa pagdiriwang ng pista sa mga patron ng simbahan.

Ito ang panawagan ng obispo lalo’t nalalapit na ang buwan ng Mayo na tinaguriang ‘fiesta month’ sa lalawigan ng Bohol.

“Ako nagahangyo sa tanan nga atong panalipdan ang kasagrado sa piyesta nga nahimo nang tipik sa atong kinabuhi. Espesyal nga panawagan ang buot nakong ipaabot ngadto sa atong mga lider sa lokal nga pangagamhanan nga unta magtinabangay kita aron masiguro nga sibo ang mga ipasiugdang kalihokan sa kinaiya sa atong selebrasyon,” panawagan ni Bishop Uy.

[Nakikiusap ako sa lahat na panatilihin natin ang kasagraduhan ng mga pista na bahagi na ng ating buhay. Panawagan ko rin sa mga lider ng lokal na pamahalaan na magtulungan tayo sa pagpatupad ng mga pagtatanghal o programang naaayon sa pagdiriwang]

Iginiit ni Bishop Uy na ang mga kapistahan ay ipinagdiriwang ng sambayanang kristiyano bilang pasasalamat sa Panginoon sa mga handog na kaloob sa tulong ng panalangin ng mga patron.

Ayon sa obispo kapansin-pansin na sa paglipas ng panahon ay nagkakaroon ng mahahalay na pagtatanghal sa paghahanda ng kapistahan gayundin ang kawalang regulasyon sa malalakas na sound-system tuwing may programa.

“Bisan kung ang piyesta nahimo nang aspeto sa atong kultura ug katilingbanong kinabuhi (socio-cultural celebration), kini nagpabilin, una ug labaw sa tanan, nga usa ka kasaulogan nga relihiyoso (religious festival),” ani Bishop Uy.

[Kahit na ang pista ay socio-cultural celebration, mananatili pa rin ang pagiging religious festival nito.]

Umaasa si Bishop Uy na iaaayon ang pagkakaroon ng mga pagtatanghal sa paghahanda ng kapistahan at bibigyang diin ang aspetong makatutulong sa paglago ng pananampalataya at pagbibigay parangal sa patron.

Sa buong buwan ng Mayo ay magdiriwang ng pista ang iba’t ibang parokya at kapilya sa Bohol na binubuo ng Diocese ng Tagbilaran at Talibon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 41,873 total reads

 41,873 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 76,000 total reads

 76,000 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 132,406 total reads

 132,406 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 253,906 total reads

 253,906 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top