Stewardship program ng RCAM, palalakasin sa pagtatag ng MCSED

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,705 total reads

Ikinagalak ng opisyal ng Archdiocese of Manila ang pormal na paglulunsad sa Ministry on Cooperatives and Social Enterprise Development (MCSED).

Ayon kay UCC Chairman at MCSED Minister Fr. Anton CT. Pascual, layunin ng bagong ministri na pagbuklurin at palakasin ang kooperatiba ng simbahan upang higit na matulungan ang mga maralita.

“Binuo natin ang MCSED upang palakasin ang ating stewardship program. ‘Yung pamamahala sa yaman ng simbahan na pinagkaloob ng Panginoon upang makatulong tayong lumikha ng yaman sa pamayanan sa kapakanan ng mahihirap at ng ating mga kababayang nangangailangan ng tulong,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Fr. Pascual na siya ring executive director ng Caritas Manila, ang MCSED ay ipapalaganap hindi lamang sa Archdiocese of Manila kun’di maging sa mga diyosesis na saklaw ng Ecclesiastical Province of Manila.

Ito ay ang mga Diyosesis ng Novaliches, Cubao, Kalookan, Pasig, Parañaque, Malolos, Imus, Antipolo, at San Pablo; gayundin ang Apostolic Vicariates ng Puerto Princesa at Taytay sa Palawan.

“Sabi nga ni Cardinal Jose Advincula, ito’y ipapalaganap natin sa Ecclesiastical Province of Manila in the near future,” ayon kay Fr. Pascual.

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang paglulunsad at pagbabasbas sa logo ng MCSED kasama si Fr. Pascual at ilang mga pari at kinatawan mula sa mga diyosesis na saklaw ng Ecclesiastical Province of Manila, na pawang miyembro ng mga kooperatiba.

Tagubilin ni Cardinal Advincula sa bawat isa na ang kooperatiba ng simbahan nawa’y hikayatin ang bawat isa hindi lamang sa pag-iipon at pamumuhunan ng salapi, kun’di mas lalo ring mapaigting ang pananampalataya kay Kristo.

“Si Hesus lamang ang bukal ng buhay at pag-asa… Si Hesus lamang ang kapital natin, ang tanging yaman natin. Let us invest all our resources to Him. Let us go with enterprise of witnessing to the Kingdom of God,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Ginanap ang paglulunsad sa MCSED kasabay ng 17th Union of Catholic Church-based Cooperatives (UCC) General Assembly nitong Abril 29, 2023 sa Lay Formation Center, San Carlos Seminary, Makati City.

Tema ng pagtitipon ang Creating Wealth in the Parish Community: The Cooperative Way.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan bago banyaga

 3,625 total reads

 3,625 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 67,476 total reads

 67,476 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 163,610 total reads

 163,610 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 246,641 total reads

 246,641 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 340,865 total reads

 340,865 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 216,039 total reads

 216,039 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top