Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 348 total views

4th Sunday of Easter Cycle A Good Shepherd Sunday

World Day of Prayer for Vocations

Acts 2:14.36-41 1 Pt 2:20-25 Jn 10:1-10

Kinikilala po natin na ang Diyos Ama ay manlilikha. Ginawa niya tayo. Binigyan niya tayo ng buhay. Basta na lang ba ginawa tayo ng Diyos at inilagay sa mundo at pinabayaan na tayo? Bahala na tayo sa buhay natin? Hindi! May plano siya sa atin, sa bawat isa sa atin. Ang plano ng Diyos sa atin ay tinatawag natin na bokasyon, na nangangahulugan na tawag. May tawag ang Diyos para sa bawat isa sa atin. May gampanin tayo sa mundong ito bago tayo makarating sa langit upang maging kapiling niya. Tingnan po natin kung ano ang tawag sa atin ng Diyos at ipagdasal natin na makatugon tayo sa tawag na ito.

Para sa marami sa atin, medyo alam na natin ang direksyon ng tawag niya. Ako alam ko na ang tawag niya ay maging obispo. Ang iba na may pamilya na, ang tawag ay maging nanay o tatay, o lolo. May iba naman sa atin, lalo na ang mga kabataan, naghahanap pa ng tawag ng Diyos. Ako ba ay maging teacher? O maging magsasaka? Ang ibang pa-retire na, ano ang tawag ng Diyos sa akin, pag-retire ko? O iyong naghahanap ng trabaho, saang trabaho ba ako tinatawag ng Diyos? Pero para sa atin na may direksyon na, tulad ko na obispo, o ng isang engineer, palagi pa tayong nagtatanong, paano ko ba gagampanan ang pagiging obispo ko, o ang pagiging engineer ko, o ang pagiging estudyante ko? Palagi nating pinapakinggan ang tawag ng Diyos. Sana nga pinapakinggan natin siya at hindi lang ang gusto natin o ang hilig natin. May gustong ipagagawa ang Diyos sa atin. Kung susundin natin niya, magiging maligaya tayo, kasi kasama sa plano niya para sa atin, binibigyan niya tayo ng ating angking galing na gawin iyon. Pero kung hindi tayo susunod sa gusto niya, mas mahihirapan tayo.

Oo, may mga katangi-tanging tawag ng Diyos sa bawat isa sa atin, pero ang indibidual na tawag na ito ay dapat naaayon sa pangkalahatang tawag sa ating lahat. Ang pangkalahatang tawag sa atin ay magsisi sa ating kasalanan, tanggapin si Jesus at matatanggap natin ang kanyang Espiritu, ang Espiritu Santo na ibinigay sa atin upang gabayan tayo sa katotohanan ng ating buhay. Ang pagsisisi ay tawag niya para sa lahat. Ganoon din ang tawag niya na magsilayo tayo sa masasamang impluwensya sa atin sa mundong ito.

Sa halip na makinig sa tukso ng ahas tulad ng ginawa ni Adan at ni Eba, makinig tayo sa tinig ni Jesus – ang ating mabuting pastol. Oo si Jesus nga ang mabuting pastol na naghahanap sa atin at dinadala tayo sa mabuting pastulan. Pero dapat ding maging mabuting tupa tayo na nakikinig sa tinig ng ating pastol at hindi sa basta sinu-sino lang upang hindi tayo malito. Si Jesus ay naparito upang gabayan tayo sa buhay na ganap at kaaya-aya. Hindi naman siya namatay para sa atin at basta na lang tayo pababayaan. Namatay nga siya upang dalhin tayo sa buhay na maayos at maligaya. Ayaw niyang mawala tayo. Sinulat nga ni San Pedro sa ating ikalawang pagbasa: “Nagkawatak-watak tayo gaya ng tupang naligaw, ngunit tinipon tayong muli ng pastol at tagapangalaga ng ating kaluluwa.” Sumunod tayo sa kanya.

Ano ba ang ibig sabihin ng sumunod sa kanya? Sundin natin ang kanyang mga habilin sa atin at tularan natin siya. Tayo ay kristiyano kasi tinutularan natin si Jesus. Hindi lang sapat na kilalanin na siya ay Panginoon. Hindi lang sapat na tawagin nating siyang Lord! Lord! Sundin natin ang kanyang salita. Mahalin natin siya, at maliwanag naman ang sinabi niya na kung mahal natin siya sinusundan natin ang kanyang mga salita.

Sinabi sa atin sa ating salmo ngayong araw: “Ang Panginoo’y aking pastol, hindi ako magkukulang. Ako ay pinahihimlay niya sa mainam na pastulan, at inaakay niya ako sa tahimik na batisan, binibigyan niya ako ng bagong kalakasan.” May mabuting pastol tayo na nag-alay ng kanyang sarili para sa atin. Maging mabuting tupa din tayo na sumunod sa kanyang tinig.

Sa mga larawan ni Jesus na mabuting pastol, nakikita natin na siya ay nangunguna at sinusundan siya ng mga tupa. Nangunguna siya upang maghanap ng wastong daan na hindi mapanganib sa tupa. Nangunguna siya upang harapin ang anumang maaaring maging banta sa mga tupa. Nangunguna siya upang ihanap tayo ng magandang pastulan at ng saganang batisan. Nangunguna siya. Sumunod ba tayo na kanyang mga tupa? Hindi pinapalo ang mga tupa upang sumunod. Sila ay kusang sumusunod kasi may tiwala sila sa pastol. Kung sila ay naliligaw man o nahuhuli, tinatawag niya sila at nakikinig sila sa kanyang tinig.

Tinatawag tayo – iyan iyong bokasyon. May tawag na pangkalahatan, para magka-isa tayo, para hindi tayo mapahamak. May tawag sa atin individually, kasi mahal niya tayo individually. May plano siya sa bawa’t isa atin. Maging mabuting tupa tayo. Nakikinig ba tayo sa kanya?

Paano tayo nakikinig? Magdasal tayo. Akala natin ang panalangin ay ang pagsasalita sa Diyos upang siya ay makinig sa atin. Hindi lang iyan! Ang mas malalim na dasal ay ang ating pakikiisa sa Diyos upang mapakinggan natin ang kanyang sasabihin sa atin. Alam na ng Diyos ang ating pangangailangan. Mas alam pa nga niya iyan kaysa ating sarili. Madalas hindi natin alam ang kanyang sasabihin sa atin o ang kanyang ibibigay sa atin. Kaya sa ating pagdarasal nagsasalita siya sa atin, pinapaalam niya sa atin ang kanyang plano sa atin araw-araw.

Ang isang malalim na pagdarasal ay ang pagsusuri sa ating budhi. Ang ating budhi o konsensya ay ang maliit na tinig ng Diyos sa ating kalooban. Doon sinasabi niya sa atin kung ano ang ating iiwasan at kung ano ang ating gagawin. Huwag tayo magbingi-bingihan sa tinig ng Diyos na nananawagan sa atin.

Isang paraan din ng pakikinig sa tinig ng Diyos ay ang pagbabasa ng Bibliya o pakikinig sa mga nagpapahayag nito. Ugaliin sana natin na basahin at alamin ang Banal na Kasulatan. Ang aklat na ito ay tanda ng pagmamahal ng Diyos kaya palagi siyang nagsasalita sa atin. Buksan lang natin ang Bible at nandoon na ang Salita ng Diyos!

May plano ang Diyos sa bawat isa sa atin at may gusto ang Diyos na dapat nating gawin araw-araw. Pinapaalam niya ang kanyang plano. Nagsasalita siya sa atin. Pakinggan natin ang kanyang panawagan. Tuparin natin ang ating bokasyon, ang tawag niya sa atin.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

KOOPERATIBA

 18,138 total views

 18,138 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 24,109 total views

 24,109 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 28,292 total views

 28,292 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 37,575 total views

 37,575 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Hindi sapat ang kasikatan

 44,911 total views

 44,911 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 652 total views

 652 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 2,707 total views

 2,707 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 4,035 total views

 4,035 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 8,281 total views

 8,281 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 8,707 total views

 8,707 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 9,768 total views

 9,768 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 11,078 total views

 11,078 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 13,808 total views

 13,808 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 14,993 total views

 14,993 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 16,473 total views

 16,473 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 18,884 total views

 18,884 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 22,169 total views

 22,169 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 28, 2024

 24,603 total views

 24,603 total views 17th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Grandparents and the Elderly Fil-Mission Sunday 2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15 Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 26,463 total views

 26,463 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 28,773 total views

 28,773 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top