Stewardship program ng RCAM, palalakasin sa pagtatag ng MCSED

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,606 total reads

Ikinagalak ng opisyal ng Archdiocese of Manila ang pormal na paglulunsad sa Ministry on Cooperatives and Social Enterprise Development (MCSED).

Ayon kay UCC Chairman at MCSED Minister Fr. Anton CT. Pascual, layunin ng bagong ministri na pagbuklurin at palakasin ang kooperatiba ng simbahan upang higit na matulungan ang mga maralita.

“Binuo natin ang MCSED upang palakasin ang ating stewardship program. ‘Yung pamamahala sa yaman ng simbahan na pinagkaloob ng Panginoon upang makatulong tayong lumikha ng yaman sa pamayanan sa kapakanan ng mahihirap at ng ating mga kababayang nangangailangan ng tulong,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Fr. Pascual na siya ring executive director ng Caritas Manila, ang MCSED ay ipapalaganap hindi lamang sa Archdiocese of Manila kun’di maging sa mga diyosesis na saklaw ng Ecclesiastical Province of Manila.

Ito ay ang mga Diyosesis ng Novaliches, Cubao, Kalookan, Pasig, Parañaque, Malolos, Imus, Antipolo, at San Pablo; gayundin ang Apostolic Vicariates ng Puerto Princesa at Taytay sa Palawan.

“Sabi nga ni Cardinal Jose Advincula, ito’y ipapalaganap natin sa Ecclesiastical Province of Manila in the near future,” ayon kay Fr. Pascual.

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang paglulunsad at pagbabasbas sa logo ng MCSED kasama si Fr. Pascual at ilang mga pari at kinatawan mula sa mga diyosesis na saklaw ng Ecclesiastical Province of Manila, na pawang miyembro ng mga kooperatiba.

Tagubilin ni Cardinal Advincula sa bawat isa na ang kooperatiba ng simbahan nawa’y hikayatin ang bawat isa hindi lamang sa pag-iipon at pamumuhunan ng salapi, kun’di mas lalo ring mapaigting ang pananampalataya kay Kristo.

“Si Hesus lamang ang bukal ng buhay at pag-asa… Si Hesus lamang ang kapital natin, ang tanging yaman natin. Let us invest all our resources to Him. Let us go with enterprise of witnessing to the Kingdom of God,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Ginanap ang paglulunsad sa MCSED kasabay ng 17th Union of Catholic Church-based Cooperatives (UCC) General Assembly nitong Abril 29, 2023 sa Lay Formation Center, San Carlos Seminary, Makati City.

Tema ng pagtitipon ang Creating Wealth in the Parish Community: The Cooperative Way.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 93,108 total reads

 93,108 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 133,670 total reads

 133,670 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 155,946 total reads

 155,946 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 204,213 total reads

 204,213 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 222,695 total reads

 222,695 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 132,242 total reads

 132,242 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top