Big Brother-Small Brother strategy ng DENR, kinundena ng Obispo ng Bataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,528 total views

Muling binigyang-diin ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang pagtutol sa sektor ng pagmimina sa bansa.

Ayon kay Bishop Santos, ang pagmimina bagama’t nakikitang makakatulong para sa ekonomiya ng bansa ay kaakibat ang matinding pinsala sa kalikasan at panganib sa buhay ng mamamayan.

Ibinahagi ng Obispo ang kanyang 2015 Pastoral statement laban sa pagmimina sa Bataan kung saan nakasaad na “Ang pagmimina sa Bataan ay maghahatid ng kapinsalaan sa ating mabuting kalikasan.Ang pagmimina sa Bataan ay magbubunga ng kasamaan sa ating kapaligiran”.

Nagagalak si Bishop Santos dahil magmula nang ilabas ang pahayag ng diyosesis laban sa pagmimina ay walang natutuloy na anumang mapaminsalang proyekto sa lalawigan.

Iginiit ng Obispo na ang Bataan, sa tulong ng pagpapala ng Diyos ay patuloy na masagana sa likas na yaman at madarama ang kapayapaan sa kapaligiran.

Hiling naman ni Bishop Santos na katulad ng lalawigan ng Bataan, nawa’y mapigilan at matugunan din sa buong bansa ang pagpapahintulot sa pagmimina upang hindi na magdulot ng karagdagang pinsala sa kalikasan.

“Balikan po natin ang mga lugar sa loob at sa labas ng ating bansa na mayroong pagmimina. Naibalik po ba ang dating ganda at buti ng lugar na hinukay sa pagminina? Nagkaroon po ba ng kasaganaan at kaayusan sa mga lugar na naging minahan? Wala po. Hindi po nangyari at kabaglitaran pa po ang nagaganap,” saad ni Bishop Santos.

Ang pahayag ni Bishop Santos ay kaugnay sa “Big Brother-Small Brother strategy” ng Department of Environment and Natural Resources na nakapaloob sa social development at management programs (SDMP) ng mga malalaking kumpanya ng pagmimina.

Nauna nang nagpahayag ng pagkabahala ang Alyansa Tigil Mina tungkol dito sapagkat higit itong magpapahirap at maisasantabi ang kapakanan ng mga pamayanang apektado ng pagmimina.

Sa kasalukuyan, nasa 44 ang bilang ng mining company sa bansa kung saan 37 rito ang nagsasagawa ng operasyon.

Kinondena ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Laudato Si’ ang hindi makatarungang gawain ng mga malalaking kumpanyang nagsasagawa ng pagmimina sa iba’t ibang bahagi ng mundo, na matapos ang operasyon ay iiwan ang mabigat na pasanin sa mga tao at kalikasan tulad ng kawalan ng hanapbuhay, pagkasira ng mga likas na yaman, at panganib sa kalusugan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 18,525 total views

 18,525 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 41,677 total views

 41,677 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 111,791 total views

 111,791 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 186,404 total views

 186,404 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 265,202 total views

 265,202 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top