Prelatura ng Batanes, puspusan ang paghahanda sa bagyong Betty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,761 total reads

Puspusan na ang paghahanda ng Prelature of Batanes para sa posibleng epekto ng Super Typhoon Mawar, na may local name na Betty, kapag dumaan na sa bahagi ng lalawigan.

Ayon kay Bishop Danilo Ulep, nananatiling maayos ang panahon sa Batanes at wala pang pahiwatig ng Bagyong Mawar.

“Ang practice kasi dito because of the past typhoons, especially ‘yung recent 3 years ago na napaka-destructive is kapag may ganitong mga forecast na strong typhoons… we all prepare for the worst scenario. Kaya dito, ang ugali ay we put shutters sa mga bintana at pintuan, at sa mga roofing, we tie them ng malalaking lubid,” bahagi ng pahayag ni Bishop Ulep sa panayam ng Radio Veritas.

Sariwa pa rin sa alaala ni Bishop Ulep ang karanasan noong manalasa ang Super Typhoon Kiko noong 2021, na bagamat walang naiulat na nasawi ay nag-iwan naman ng malaking pinsala sa mga gusali at kabuhayan sa buong Batanes.

Magugunitang taglay ng Bagyong Kiko ang lakas ng hangin na aabot sa 215 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 265 km/h, katulad ng tinataglay ngayon ng Super Typhoon Mawar na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility mamayang gabi.

Sinabi naman ni Bishop Ulep na bukas ang mga simbahan sa mga parokyang saklaw ng prelatura para maging pansamantalang matutuluyan, gayundin ay nakahanda na rin ang mga paunang tulong para sa mga pamilya at residenteng maaapektuhan ng sakuna.

“Mayroon nang naka-preposition na mga possible na ayuda o relief goods, and of course not to mention our readiness, also for all the people to get inside the church if the worst scenario happens na wala silang matutuluyan,” ayon kay Bishop Ulep.

Panawagan naman ng obispo ang patuloy na pananalangin para sa kaligtasan ng lahat sa banta ng Super Typhoon Mawar.

Batay sa huling ulat ng PAGASA, huling namataan ang mata ng bagyo sa Silangang bahagi ng Timog-silangang Luzon habang binabagtas ang direksyong pa-Kanluran sa bilis na 20 km/h.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,309 total reads

 43,309 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,347 total reads

 93,347 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,218 total reads

 141,218 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 245,167 total reads

 245,167 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 329,063 total reads

 329,063 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 166,311 total reads

 166,311 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top