Caritas Philippines, nakahanda sa pananalasa ni super typhoon Betty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,737 total reads

Tiniyak ng Caritas Philippines ang pagiging handa sa pagtugon sa anumang uri ng sakuna.

Ito ang inihayag ni Jing Rey Henderson – ang Communication and Partnership Development Unit Coordinator ng Caritas Philippines sa inaasahang pagpasok sa Philippine Area of Responsibility ng bagyong Betty na may international name super typhoon Mawar.

“Ongoing yung ating monitoring pagkatapos po down the ground hanggang doon sa mga communities natin at saka hinihintay din natin yung mga Dioceses would be needing further assistance, kung kailangan ba nila ng pondo lamang, kung kailangan ba nila ng technical assistance, kinakailangan ba natin magkaroon ng rapid assesment, anong types of responses ang posible nating kailanganan, so ang lahat ng ito ay naka-prepare na at our level both sa national hanggang sa regional clusters ng ating mga social action centers.” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Henderson.

Nakahanda narin ang pondo na nalikom sa tulong ng Alay-Kapwa Solidarity na nakatakdang ibahagi sa mga Diocesan Social Action Center sakaling lubhang maranasan sa Pilipinas ang pananalasa ng bagyo.

Gagamitin ito bilang disaster response o humanitarian aid funds upang makapamahagi ng mga pagkain, hygiene kits at financial assistance sa mga mamamayang maapektuhan ng kalamidad.

Tiniyak rin ni Henderson ang patuloy na pakikipag-ugnayan ngayon ng Caritas Philippines sa mga DSACs upang agad na magsagawa ng Rapid Assessments at malaman ang kanilang mga kakailanganin na tulong.

Ayon naman sa Armed Forces of the Philippines, naipadala na sa Batanes ang mahigit 7,400 na kilo ng Family Food Packs na ‘standby supplies’ para sa mga mamamayan na inaasahang masasalanta ng kalamidad.

Nakaantabay narin ang 15-libong tauhan ng AFP na pawang mga Medical, Army, Navy, Air force personnels at Reservists na pangunahing tutugon sa pangangailangan ng mga masasalanta ng bagyo.

Sa pinakabagong ulat ng PAG-ASA Weather Forecasting Center kaninang alas-diyes ng umaga, huling namataan ang Supertyphoon Betty sa layong 1,705-klm ng Silangan ng Timog-silangang bahagi ng Luzon.

Taglay ng bagyo ang lakas na aabot sa 215-klm kada oras at bugso na aabot naman sa 260-klm kada oras.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,300 total reads

 43,300 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,338 total reads

 93,338 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,209 total reads

 141,209 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 245,159 total reads

 245,158 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 329,055 total reads

 329,055 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top