Pilipinas at South Korea, magkatuwang sa pagpapaigting sa Integrated Water Resources Management projects

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,174 total views

Palalawigin ng Pilipinas ang water management programs sa tulong ng South Korea.

Ito matapos lagdaan ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at Korea International Cooperation Agency (KOICA) – Philippines Country Director Kim Eunsub ang kasunduan na maglulunsad ng Integrated Water Resources Management (IWRM) projects sa bansa.

Layunin ng kasunduan na mapabuti ang kalagayan ng mga water facilities na nagsusuplay ng malinis na tubig sa mga mamamayan sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Isusulong din ng kasunduan ang pagpapabuti sa lagay ng sanitation at flood control upang higit na maserbisyuhan ang mga konsyumer.

““We must address these shortcomings by embracing effective water governance through integrated water resources management. By harmonizing the planning and management of land, water, and coastal resources, we can overcome these obstacles and create a brighter future for all,” ayon sa pahayag ni Balisacan.

Nagkakahalaga naman ang kasunduan ng 2.5-million US Dollars na inaasahang makakamit sa 2024 upang masuplayan ng malinis na tubig ang mamamayan sa mga liblib na lugar sa bansa.

““KOICA recognizes the need to enhance the capability of the Philippine government in dealing with challenges and threats in the water sector. Our project was designed to help water agencies implement IWRM reforms and address issues on increasing water demand, insufficient water infrastructure, and rising climate change threats,” ayon naman sa mensahe ni Eunsub.

Naunang hinamon ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang pamahalaan na pangunahan ang mga inisyatibong titiyak na hindi lubhang mararanasan ng mamamayan lalu ng mga magsasaka ang epekto ng El Niño.

Sa paggunita naman ng World Water Day, nanawagan ang kanyang Kabanalang Francisco na iwaksi ang kaugalian ng pag-aaksaya upang makatipid at mapangalagaan ang ibat-ibang lugar na pinagkukuhaan ng tubig sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 32,087 total views

 32,087 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 27,956 total views

 27,956 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 64,158 total views

 64,158 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 73,476 total views

 73,476 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 99,878 total views

 99,878 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top