Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 926 total reads

Kapanalig, isa sa mga pinakamalaking bangungot para sa mga pamilya ay ang pagiging ulila ng mga anak. Kapag nawalan ng magulang o primary caregiver ang mga menor de edad, saan pupunta ang mga ulila?

Alam mo ba kapanalig, tinatayang umaabot ng dalawang milyon ang mga ulila sa ating bansa. At sa mga ulilang ito, ang karaniwang na-a-ampon lamang kada taon ay  mga 139 lamang mula 2014 hanggang 2018. May mga ibang pagsusuri rin na nagsasabi na umaabot sa limang milyon hanggang pitong milyon ang mga ulila sa bansa, at mga 237 lamang ang naa-ampon kada taon.

Sa Mindanao, kapanalig, kung saan maraming mga armed conflicts, maraming mga bata ang nagiging ulila. Ayon sa isang pag-aaral ng Asia Foundation, walang opisyal na datos ukol sa mga bilang mga mga naulila ng mga armed conflicts sa Mindanao. Ang kawalan ng impormasyon ukol dito ay nagpapakita na kulang talaga ang mga serbisyong ibinibigay natin sa kanila. Bulnerable ang mga ulila kapanalig, kung kulang ang ating pagkalinga sa kanila, saan sila pupunta?

Nitong nakaraang araw lamang, may isang orphanage sa Quezon City na pina-iimbestigahan dahil sa overcrowding, kawalan ng house parents, baradong fire exits, at pag-gamit ng education modules na walang approval mula sa DepEd. Ilang bahay ampunan pa kaya ang ganito?

Kapanalig, kailangan natin mas tutukan pa ang sitwasyon ng mga orphans o ulila sa ating bansa. Sa mga bansa gaya ng US, aktibo ang child protection services. Namo-monitor nila ang sitwasyon ng mga bata sa mga komunidad at mabilis din makapag-report ang mga mamamayan kung may naaobserbahan silang napapabayaang bata o na-abusong bata sa pamayanan. Sa ating bayan, walang hotline para dito, o kung meron man, hindi siya common knowledge o kilala. Bantay Bata 163 ang kilala noon, pero ito ay programa ng isang foundation, hindi ng gobyerno.

Makapaglatag sana tayo ng mas komprehensibong plano para sa ulila sa ating bansa, lalo na silang wala ng mga kamag-anak na mag-aalaga pa at magmamahal sa kanila. Hindi dapat lumaki ang sinuman na walang nagkakalinga at nag-paplano para sa kanilang kinabukasan. Inuudyukan tayo ni Pope Francis na mahalin ang mga maralita at mga api. Dinggin sana natin ito. Ayon nga sa kanyang homiliya noong July 2014: Take care of the poor and the outcast! The Bible is full of these exhortations. The Lord says: it is not important to me that you do this or that, it is important to me that the orphan is cared for, that the widow is cared for, that the outcast person is heard, that creation is protected. This is the Kingdom of God!”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,086 total reads

 43,086 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,141 total reads

 93,141 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,012 total reads

 141,012 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 244,961 total reads

 244,961 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 328,864 total reads

 328,864 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,087 total reads

 43,087 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,142 total reads

 93,142 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,013 total reads

 141,013 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top