BEC, kinilala ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,283 total reads

Kinilala ng opisyal ng simbahan ang tungkulin ng munting pamayanan sa pagpapatatag ng misyon ng simbahan.
Ayon kay Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona malaki ang tungkulin ng Basic Ecclesial Communities o BEC sapagkat dito makikita ang pagkakilanlan ng bawat kasapi ng kristiyanong pamayanan.
“Ang simbahan ay hindi lamang ang masa o ang maraming tao kundi mga konkretong mga tao na kilala ang isa’t isa…at ito ay nangyayari at nagagampanan sa pamamagitan ng isang munting pamayanang kristiyano o Basic Ecclesial Community kaya ito ay tinatawag na isang bagong pamamaraan ng pagiging simbahan,” bahagi ng mensahe ni Bishop Mesiona.
Giit ng obispo na sa tulong ng BEC ay napapaigting ang misyon ng simbahan sa bawat pamayanan upang makamit ang simbahang nagbubuklod sa paglalakbay tungo kay Hesus.
Sa nagdaang pandemya kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang BEC dahil sa ginampanang tungkuling pinanatiling buhay ang simbahan sa kabila ng lockdown na ipinatupad sa buong mundo.
Sa isang pahayag ni Cagayan De Oro Archbishop Jose Cabantan ang chairman ng CBCP-BEC, bagamat naging sarado ang mga bahay dalanginan mas tumibay ang pananampalataya at ugnayan ng tao sa Panginoon dahil sa pagsisikap ng BEC na ipagpatuloy ang gawain sa kapitbahayan.
Dahil dito iginiit ni Bishop Mesiona na ang BEC ang isang instrumento ng simbahan upang abutin ang nasasakupan lalo na sa mga kanayunan.
Kasabay ng pagdiriwang ng Holy Trinity Sunday ay ipinagdiwang ng bansa ang BEC Sunday upang bigyang diin ang munting pamayanang nagsisikap para itaguyod ang misyon ni Hesus sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 14,423 total reads

 14,423 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 53,639 total reads

 53,639 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 88,939 total reads

 88,939 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 315,208 total reads

 315,208 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 207,752 total reads

 207,752 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top