Bikolanos, pinag-iingat ng Diocese of Legazpi sa banta ng bulkang Mayon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,272 total reads

Muling pinaalalahanan ng Diyosesis ng Legazpi, Albay ang mga Bikolano na mag-ingat at maging handa sa banta ng bulkang Mayon.

Ayon kay Bishop Joel Baylon, makabubuting sundin ang mga paalala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) bilang babala at pag-iingat sa posibleng mangyari kasunod ng muling pagtaas sa Alert Level 2 status o ‘increased unrest’ ng Mayon Volcano.

“Ipinaalaala na ng Phivolcs sa mga nakatira sa paligid ng Bulkang Mayon na dahil sa pagtaas sa Alert Level 2 ay huwag pumasok sa 6-km permanent danger zone. Ang pagtaas ng Alert Level ay nagsasabing malaki ang posibilidad na magkaroon ng mga hindi inaasahang pagsabog ang bulkan.” pahayag ni Bishop Baylon sa panayam ng Radio Veritas.

Sa huling ulat ng PHIVOLCS, naitala ang 74 rockfall events batay sa seismic at visual observation sa bulkan na tumagal ng isa hanggang apat na minuto.
Umabot naman sa 208 tonelada ang ibinugang sulfur dioxide o asupre mula sa Bulkang Mayon, at may taas na 200 metro na dinadala ng hangin patungong kanluran-timog-kanlurang direksyon.

Sinabi naman ni Bishop Baylon na patuloy ang pananalangin ng Oratio Imperata sa buong diyosesis para sa kaligtasan ng lahat, at hindi na magdulot pa ng anumang pinsala ang Bulkang Mayon.

Maliban sa Mayon Volcano, kabilang sa mga binabantayan ng PHIVOLCS ang kalagayan ng Bulkang Taal sa Batangas na nakataas sa Alert Level 1 status at patuloy ang pagbuga ng volcanic smog.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 98,761 total reads

 98,761 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 156,922 total reads

 156,922 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 293,433 total reads

 293,433 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 408,303 total reads

 408,303 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 245,656 total reads

 245,656 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top